Kung sa tingin mo cringe, mag-unfollow ka

 

Mahilig tayo magkwento. Noong unang panahon, nagtitipon ang mga tao sa ilalim ng liwanag ng buwan o sa harapan ng apoy upang makipagkwentuhan. 

Moderno na ang panahon ngayon ngunit ang likas nating hilig magkwento ay hindi nawawala. Sa halip nagkaroon lamang ng bagong medium ng pagkukwento. Gumagamit na tayo ng mga publikasyon, TV, radyo at social media. Interesado tayong magbahagi ng ating kwento at makinig sa kwento ng iba. 

Ang tanong ay kung ano ang overall narrative ng iyong kwento. 

May mga taong likas na palalo sa kanilang mga sarili kaya ang kanilang kwento ay mula sa anggulo ng self-sufficiency. Ang tampok ng kanilang mga kwento ay kung gaano sila kahusay. 

Gaya ng iba, nagkukwento rin ako. Pero hindi gaya ng iba, ang punto ng aking mga kwento ay ang kagandahang-loob ng Diyos. Gusto kong ikwento sa lahat ng interesadong makinig kung gaano kabait ang Diyos. 

Iyan ang dahilan kung bakit ang bawat larawan o video sa aking feed ay may mga Bible verses. Hindi ito pagtawag ng atensiyon sa aming mga sarili. After all kung gusto kong itampok ang aking sarili, bakit ko ilalagay ang mga sitas ng Biblia? 

Pansining ang pinakamabili na paraan upang buwagin ang isang tumpok ng mga nagkukuwentuhan ay banggitin ang Biblia. Gaano man kadikit ang usapan, kapag nagsimula kang magkwento ng Biblia, nagpupulasan ang mga tao palayo. 

The same thing happens sa social media. Ipost mo ang sarili mong larawan at videos, maraming magla-like at magko-comment. Sa sandaling maglagay ka ng mga sitas o ng mga kwentong patungkol sa Diyos, bumababa ang engagement. 

The reason is the natural aversion of man to God's Word. Man is a sinner and apart from God's wooing man, man isn't interested in anything that is about God. Mas interesado siyang gumawa ng sarili niyang konsepto ng Diyos o kaya ay gawing diyos ang sarili, kaysa sa humarap sa tunay na Diyos, Juan 3:19-21. Ang kaniyang mga gawa sa kadiliman ang humahadlang sa kaniyang lumapit sa liwanag. 

Pansin ko iyan sa aking mga posts. Kung mga jokes o family pictures ang aking pinopost, mataas ang engagement. Lalo ng kung ito ay birthdays, anniversaries, o family gatherings. Natural sa taong makisaya kapag nagsasaya ang iba. Nagpapasalamat akong maraming gustong makipagsaya sa amin. 

Ngunit sa sandaling maglagay ako ng verses, bumaba ang engagement. May natural na aversion ang tao sa mga bagay na pang-Diyos. 

Kung ganuon bakit pa ako naglalagay ng mga Bible verses? Kung ang habol ko ay monetization, mas mabuting magpost ako ng mga videos na patawa, kontrobersiyal o sunod sa uso. Hindi ko ito ginagawa dahil wala akong pakialam sa monetization. In fact, may warning ako kay FB na hindi nila iiendorso ang aking page dahil nilalabag ko raw ang kanilang community standards. Apparently, posting Biblical information, especially against woke ideologies, counts as violation. 

Wala akong interes na maging popular sa lahat. A lion does not care about the opinion of the sheep. Masaya na ang maraming content creators na sumunod kay Meta. Amo hindi. 

Ang habol ko sa paglalagay ng verses, ng John 3:16 at mga imbitasyon sa kaligtasan ay upang abutin ang maraming hinding hindi aapak sa Bible church pero mahilig sa social media. Ayon sa Analytics ng aking Dashboard, mayroon akong 101, 766 views this last 28 days. Sabihin pa nating kalahati rito ay repeat views, that is 50k people exposed to the Bible. Kahit 10 lang sa mga ito ang tunay na tao at hindi troll pages, ang 10 na iyan ay worth the effort. 

Ang mga taong ito ay hindi kailan man aapak sa loob ng Bible church. But through social media, they are reached. The digital is the new mission field. Sinong nakakaalam kung ilan sa mga ito ang naabot sa pamamagitan ng FB (for disclosure mayroon din akong Instagram, MeWe, Threads at Tiktok although hindi ako kasing active roon kumpra sa FB. And according sa Analytics ng aking Weblogger, mayroon akong kulang-kulang 50k views). 

Hindi ka ba manghihinayang na abutin ang mga taong iyan. I sincerely doubt I will be able to personally talk to 50k people. But with a post, you can reach much, much more. 

So sorry kung cringe sa iyo ang aking mga contents. I did not post them for you. I post them for people who wanted to hear a good story from the grace perspective. I post them for people who message me privately dahil nainteres sila sa aking FB posts. I post them for people na natutuwang makita ang aming pamilyang masayang naglilingkod sa Diyos. Maraming nagpaabot na sila ay natuwa dahil sa halip na ipost ang away pamilya, ang kanilang nakikita sa aking FB ay pamilyang masayang naglilingkod sa Diyos. 

So kung cringe ito para sa iyo, feel free to unfollow me. Hindi ko kailangan ng maraming friends and followers. In fact may rule ako na ang interesadong makipag FB friend sa akin ang siyang dapat magrequest. And if you do request, you have to wait for 7 days before I approve (exceptions sa work and family related na automatic approved). 

Unfollow me. Napakalaki ng FB world para ipagpilitan ko sa iyo ang aking content. 

Aware ang aking mga long time FB friends na imposibleng hindi sila makabasa o makarinig ng Salita ng Diyos sa aking page. So if uninterested, just unfollow. After all nakaunfollow din ako sa maraming FB friends ko. Hindi ako interested sa kwento nila. Interested akong maabot sila ng aking kwento. 

Maraming beses na akong na-FB jail. Paglaya ko, balik ulit ako sa dati kong content. 

Again, hindi ko pinagpipilitan sa lahat ang aking content. Feel free to unfriend, unfollow or block me. 

If you're still interested, you should be able to see my content tomorrow. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama