Jesus saves, Jesus saves

 


We have heard the joyful sound- 

Jesus saves! Jesus saves!

Spread the tidings all around-

Jesus saves! Jesus saves!


John 14:6 [6]Jesus said to him, "I am the way, and the truth, and the life; no one comes to the Father but through Me. 

Acts 4:12 [12]And there is salvation in no one else; for there is no other name under heaven that has been given among men by which we must be saved." 

Marahil nagsasawa na ang mga nagbabasa ng blog na ito. Wala na ba akong ibang paksang pwedeng isulat? 

Mayroon naman. Ngunit hindi sila kasing-interesante ng dakilang pag-ibig at biyaya ng Diyos na ibinigay ang Kaniyang bugtong na Anak upang mamatay sa krus sa pagbayad ng ating mga kasalanan. 

Kung may taong binuwis ang kaniyang buhay upang mailigtas ka sa tiyak na kapahamakan, tiyak na tatanawin mo ito bilang utang na loob na hindi kailan man mababayaran. Gagawin mo ang lahat upang alalahanin ang kaniyang ginawang kabutihan at marahil sisikapin mong makabawi sa kaniyang mga naulila. 

Ang Diyos ay gumawa ng mas higit na malaking sakripisyo. Ang Ikalawang Persona ng Trinidad ay naging tao, namatay sa krus, nalibing at nabuhay muli pagkatapos ng tatlong araw sa isang layon - ang alisin ang hadlang ng kasalanang naglalayo sa Diyos at sa tao. Sa pamamagitan ng gawa ni Cristo sa krus, maaaring makabalik ang tao sa Diyos.

Ang gawa ng kaligtasan ay tinapos ni Cristo nang mag-isa sa krus kaya walang gawang maaaring maiambag ang sinuman. Hindi natin maitatampok ang sarili nating katuwiran o ang ating pag-anib sa relihiyon bilang bahagi ng proseso ng kaligtasan. 

Dahil mag-isang ginawa ni Cristo ang kaligtasan, wala na tayong ibang gagawin kundi tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo para rito. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31.

Hindi ito pangako ng sinuman at hindi ito mapapako. Ito ay pangako ni Cristo mismo at hindi Siya nagsisinungaling, Juan 6:47. "Katotohanan, katotohanan," sigaw Niya. Hindi ito pagsisinungaling o pagmamalabis. Ito ay hubad at purong katotohanan. 

Tila akong sirang plakang paulit-ulit nito. Ito ay dahil ang bukas ay hindi tiyak at hindi ipinangako. Maaaring bukas ay huli na ang lahat, Heb 9:27. 

Manampalataya ka ngayon habang ngayon ay araw ng biyaya at kaligtasan. 

Anong humahadlang sa iyong manampalataya kay Cristo? Manampalataya na ngayon. 


Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama