Isang pribilehiyo
Hindi madali ang maging magulang. Lalo kung ikaw ay breadwinner at maraming umaagaw sa iyong atensiyon. May mga bagay na gusto mong gawin ngunit kailangan mong isakripisyo. May mga bagay na ayaw mo gawin pero ginagawa mo dahil mahal mo ang iyong mga anak.
Isang malaking responsabilidad ang pagiging magulang at hindi lahat ay handa para rito.
Ngunit ito ay isa ring pribilehiyo. Oo mahirap pero ito ay isang pakikimanggagawa sa Diyos sa paghubog ng isang bata sa larawan ni Cristo.
Nais ng Diyos na gawing kawangis ni Cristo ang Kaniyang mga anak, at tayong mga Cristianong magulang ay may malaking papel rito.
Ang nag-iisang kundisyon upang maging anak ng Diyos ay pananampalataya kay Cristo, Juan 1:12. Ang sinumang manampalataya ay mayroong buhay na wala hanggan at hindi mapapahamak, Juan 3:16; Gawa 16:31. Sila ay mga anak ng Diyos, Gal 3:26.
At upang ang mga anak na ito ay lumago sa maturidad kay Cristo, hindi sapat ang turo ng pastor sa simbahan. Isa o dalawang oras lamang nakakasalamuha ng pastor ang isang mananampalataya, ngunit pitong araw silang kapiling ng pamilya. Dito mahalaga ang papel ng mga magulang.
Ang impluwensiya ng tahanan ay mas malaki kaysa sa impluwensiya ng simbahan.
Maaaring magturo ang simbahan ng biyaya ngunit ito ay naisasapamuhay sa bahay. Maaaring magturo ang simbahan ng pagpapatawad ngunit ito ay nakikita sa mva halimbawa ng mga magulang.
Kung ikaw ay isang Cristianong magulang, ang iyong pangunahing missionary field ay ang iyong mga anak. Bago ka magturo sa iba, unahin mo muna ang mga galing sa iyong balakang.
Isang pribilehiyo ang gamitin ng Diyos upang palakahin ang isang bata sa pananampalataya. Wag nating ipagdamot ang ating sarili at makituwang sa Kaniya. Mamuhay tayo sa paraang makikita ng mga bata ang ating pananampalataya.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment