Ilayo Mo kami sa mga huwad na kaibigan

 


Pamilyar kayo sa Talinghaga ng Alibughang Anak. Habang siya ay may salapi, nagpakasaya siya kasama ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit nang maubos ang kaniyang pera, wala siyang karamay sa pagpakain ng mga baboy. 

At sigurado akong pamilyar din kayo sa magkakaibigang binutas ang bubong ng isang bahay upang maihugos pababa ang kaibigang may karamdaman sa harapan ni Cristo. 

Choose your friends wisely. 

May mga taong kaibigan mula lamang kapag tag-araw, ngunit sa sandaling humampas ang daluyong ng buhay ay hindi mo masumpungan. Nariyan sila kapag ang kundisyon ay maganda, ngunit kapag ikaw ay lugmok, hindi na sila masumpungan. 

May mga kaibigang mas madikit pa kaysa sa kapatid. Ang makasumpong ng ganitong kaibigan ay isang malaking pagpapala. 

Ama, ilayo mo kami sa mga huwad na kaibigan, mga kaibigang ang habol ay kapakinabangan at hindi ang aming ikabubuti. Ilapit mo kami sa mga kaibigang ilalapit kamo sa Iyo at handang saluhin ang langit kapag ito ay bumagsak. 

Kung nakasumpong kayo ng ganitong mga kaibigan, pahalagahan ninyo sila. Mas bihira pa sila sa ginto at mamahaling bato. 

Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Siguruhing ipadama mo sa kanila kung gaano sila kahalaga. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama