Hindi ka maliligtas ng iyong simbahan
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo, Juan 3:16; Gawa 16:31. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Kung mambabasa ka ng aking blogs, ito ang paulit-ulit kong sinusulat na tila sirang plaka.
Maraming taong umaasang ang kanilang pag-anib sa kanilang relihiyon at ang nagpapatuloy ng katapatan sa kanilang denominasyon ang daan patungong Diyos. Naniniwala silang walang kaligtasan labas sa kanilang grupo.
Ngunit si Cristo ay hindi lang para sa iilan. Hindi Siya para lamang sa isang grupo. Siya ay para sa lahat. Siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
Namatay si Cristo para sa lahat. Namatay Siya upang maging pampalubag-loob sa ating mga kasalanan. Dahil sa ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos, namatay Siya para sa lahat. Namatay Siya dahil mahal Niya ang lahat ay ayaw Niyang mayroong kahit isang mapahamak.
Upang ang lahat ay may pagkakataong maligtas, ginawa Niya ang lahat ng gawa ng kaligtasan sa krus. Walang natitirang idaragdag pa ang tao. Ang tanging magagawa na lamang niya ay tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya.
Hindi Niya pinagkatiwala ang kaligtasang ito sa kamay ng iilang tao o iisang grupo. Ito ay bukas sa lahat. Ang sinumang manampalataya ay maliligtas, uumanib man siya sa isang relihiyon o hindi.
Huwag ninyong hayaang i-bully kayo ninuman. Ang mga umaasa sa relihiyon upang maligtas ay binabalewala ang biyaya ng Diyos. Sinasabi nilang hindi sapat ang gawa ni Cristo at kailangan ng kanilang tulong.
Huwag ninyo hayaang maging hadlang ang anumang relihiyon upang maligtas. Manampalataya ka ngayon bago mahuli ang lahat.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment