Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay sa buong mundong nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya. Higit na pagbati sa mga Cristianong nanay na pinagyayaman ang kanilang pamilya sa pagkatakot sa Panginoon.
Sa blog na ito, gusto kong itampok ang tatlong pinakamahalagang nanay sa aking buhay.
Una sa lahat ang aking sariling mama, si Vivian Cornelio Bechayda. Sa mga hindi nakakaalam ang aking mama ay isang tunay na super mama. Nang panahong hindi pa gasgas sa social media ang women empowerment, mag-isang tinaguyod at inaruga ng aking Mama kaming magkapatid. Hindi siya umasa sa kaninuman upang papag-aralin kami. Tinuruan niya kaming tumayo sa aming mga paa (at sipain ang sinumang gustong magpabagsak sa amin). Isang napakalaking regret ng aking buhay ay namatay siya 4 na araw bago ako mag-graduate at hindi niya nasilayan ang kaniyang mga apo. Hindi niya nakasama ang aking pamilya. Tanging si Misis lamang ang kaniyang inabot.
Ikalawang mahalagang nanay ay ang aking biyenan, si Noly Abejero Israel. Gasgas na meme ang abusadong biyenan at tinuturing kong malaking blessing na hindi ganito ang aking biyenan. Sa halip siya ay epitoma ng grace living at generosity. Very supportive siya sa akin at sa aking pamilya. Kada Sabado, sinisikap naming mag-asawang umuwi sa kanila sa Amoguis upang mapalalim ang relasyon ng aming mga anak sa kanilang mga lolo at lola.
Ang panghuli ay ang aking misis, si Lerna Israel Nieto. In every sense of the word, naniniwala akong siya ang aking right woman, ang babaeng tinalaan ng Diyos para sa akin. I am sure na sa maraming pagkakataon ako at ang mga bata ay naging burden sa kaniya ngunit tiniis niya ito and she made the most of it. Limang taon siyang nagtrabaho sa ibang bansa upang tulungan akong maitaguyod ang pamilya. Siya rin ay matulungin sa kaniyang mga magulang at mga kapatid. Nagpapasalamat akong siya ang aking napangasawa.
My life is richer because of these three women.
Sana ganuon din kayo. Sino ang mga mahahalagang nanay sa inyong mga buhay?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/
Comments
Post a Comment