Gusto ko nang mamahinga

 


Minsan may mga bagay na mahirap sagutin o komentuhan. Gaya ng isang kaibigang dumaraan sa pagdurusang nagpahayag ng pagnanais na magpahinga na. Paano mo sasabihin sa kaniya nang hindi siya nasasaktan na dahil hindi siya nanampalataya kay Cristo para sa kaligtasan, kundi umasasa sa relihiyon o kaniyang sariling kabutihan, na siya ay pupunta sa impiyerno? 

It is not about being judgmental. It is what the Bible says. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo para rito. Amg sinumang manampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31. Ang hindi manampalataya ay hinatulan na at ang poot ng Diyos ay nagdadanay sa kaniya, Juan 3:18, 36. 

Hindi mo makukuha ang kaligtasan sa pamamagitan ng gawa, Ef 2:8-9; Tito 3:5; Rom 11:6; Is 64:6; Roma 4:1-8 at marami pang iba. Ang tanging gawang tanggap ng Diyos ay ang manampalataya kay Cristo, Juan 6:29. Ito ang pagtupad sa kalooban ng Diyos, Juan 6:40. 

Gaano ka man katapat sa iyong relihiyon, kung hindi ka nanampalataya kay Cristo, hindi ka maliligtas. 

Impossible para sa iyong magkaroon ng kapahingahan dahil after your death will be judgment, Heb 9:27. If you really want to rest in peace, believe the Prince of peace who accomplished the ministry of peace and reconciliation. In other words, believe in Jesus alone for eternal life. 

Have you believed in Him? If not yet, do it now.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama