Binili ng dugo

 


Hebrews 9:22 [22]And according to the Law, one may almost say, all things are cleansed with blood, and without shedding of blood there is no forgiveness.

Namatay si Cristo sa krus upang bayaran ang ating mga kasalanan. Ang Kaniyang dugo ang basehan ng kapatawaran ng mga kasalanan, ng pag-aaring matuwid at ng pagkaroon ng buhay na walang hanggan. 

Kung wala ang gawa ni Cristo sa krus, hindi mangyayari ang kaligtasan. Lahat ng naligtas sa Lumang Tipan at lahat ng naliligtas ngayon, lahat ng mga ito ay naging posible dahil sa gawa ni Cristo sa krus. 

Kaya nakakatawa kapag may taong nagpapalagay na maaari siyang maligtas sa sarili niyang kakayahan. 

Iniisip ng taong ito na sapat nang umanib siya sa isang relihiyon, gumawa ng mabuti hanggang kamatayan at umiwas sa kasalanan. Umaasa siyang maliligtas siya ng sarili niyang katuwiran. 

Hindi siya kumbinsidong ang simpleng pananampalataya kay Cristo ay sapat upang magbigay ng buhay na walang hanggan. 

Umaasta sila na tila ba walang kabuluhan ang kamatayan ni Cristo. Ito ay isang unfortunate miscarriage of justice na walang bearing sa kaligtasan. Dahil sa huli, ang kanilang katuwiran pa rin ang magliligtas sa kanila.

Malinaw na ang ganitong saloobin ay pagwawalang bahala sa biyaya ng Diyos. 

Galatians 2:20-21 [20]I have been crucified with Christ; and it is no longer I who live, but Christ lives in me; and the life which I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave Himself up for me. [21]I do not nullify the grace of God, for if righteousness comes through the Law, then Christ died needlessly."

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. 

Si Cristo ang layon ng pananampalataya dahil Siya ang tumubos sa atin. Hindi relihiyon ang nagsakrispisyo sa krus. Si Cristo ang namatay sa krus kaya Siya lamang ang dapat nating sampalatayahan. 

Kung hindi ka pa nakasisiguro ng buhay na walang hanggan, gamitin mo ang pagkakataong ito. Manampalataya ka ngayon at siguruhin ang buhay na walang hanggan. Bago mahuli ang lahat, Heb 9:27. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama