At hindi ito maitatanggi ninuman
Limang katotohanang hindi maipagkakaila ng tao:
1. Ang buhay ay maikli.
2. Ang kasalanan ay may konsekwensiya.
3. Ang kamatayan ay hindi maiiwasan.
4. Ang impiyerno ay totoo.
5. Si Jesucristo ang tanging daan patungong Langit.
Naisin man ng taong takasan ang mga katotohanang ito sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng sublimasyon (droga, alkoholismo, workaholismo, atbp), ang mga katotohanang ito ay umuukilkil sa isipan ng isang tao. Lalo kapag siya ay nag-iisa, makararanas ang tao ng takot na hindi mapapawi ng anumang paglilibang.
Kaya maraming taong takot mamatay dahil hindi sila tiyak sa "dakilang kawalan sa dako roon."
Ngunit para sa isang mananampalataya kay Cristo, ang kamatayan ay hindi katatakutan. Ito ang pintong maghahatid sa kaniya sa harap ng Panginoon. Ito ang unan na paglalatagan niya ng ulo.
Tanggap niyang siya ay makasalanan at tanggap niya ang konsekwensiya nito. Tanggap niyang siya ay mamamatay at kung mamatay siyang hindi nanampalataya kay Cristo, ang naghihintay sa kaniya ay paghuhukom. Higit sa lahat nanampalataya siya kay Cristo.
Si Cristo ay namatay sa krus upang bayaran ang ating mga kasalanan. Nalibing Siya at pagkatapos ng tatlong araw ay bumangon muli, na nagpapakitang tinanggap ng Diyos ang gawa ni Cristo sa krus.
Dahil tinapos ni Cristo ang gawa ng kaligtasan sa krus, walang natitirang gagawin ang tao kundi tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31.
Hindi mo mapapabulaanan ang mga katotohanang ito sa pamamagitan ng pagkikibit-balikat. Ang limang katotohanang ito ay mananatiling totoo, paniwalaan mo man ito on hindi.
Kaya bago pa mahuli ang lahat, manampalataya ka kay Cristo. Walang post-mortem salvation. Sa sandaling lisanin mo ang buhay na ito, fixed na ang iyong patutunguhan. Siguruhing patungo ka sa Langit. Manampalataya kay Cristo.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment