Anong humahadlang sa iyong manampalataya kay Cristo?

 


Namatay si Cristo sa isang dahilan- namatay Siya upang bayaran ang ating mga kasalanan. Sa Kaniyang kamatayan sa krus, inalis Niya ang hadlang ng kasalanan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Kahit sinuman ay maaaring lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

Bakit pananampalataya lamang ang kailangan upang makalapit sa Diyos? Ito ay dahil si Cristo ang gumawa at tumapos ng ating kaligtasan sa krus. Wala tayong maidaragdag sa Kaniyang gawa. 

Dahil Siya lamang ang mag-isang gumawa ng kaligtasan, ang tanging magagawa na lamang natin ay tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

Hindi matatamo ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti o pag-anib sa relihiyon. Matatamo lamang ito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo para rito, Juan 3:16; Gawa 16:31. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. 

Maraming taong hindi ito magawa. Ang kanilang kapalaluan ang humahadlang upang hindi manampalataya kay Cristo. 

Buong buhay ay tinuruan silang kailangan nilang gumawa upang magkaroon ng isang bagay. Totoo ito sa pagdating sa trabaho, promotion o grades. Ngunit pagdating sa kaligtasan, ang Diyos ay kumikilos ayon sa biyaya, hindi sa merito. 

Ang biyaya ay nangangahulugang ang Diyos ang gumawa at tayo ay tagatanggap lamang. Nangangahulugan itong hindi natin mapagtatrabahuhan ang Kaniyang kaligtasan. 

Ang tanging magagawa ng taong kompatible sa biyaya ay pananampalataya. Ang nanampalataya ay hindi gumagawa, Roma 4. Sa halip umaasa siya sa gawa ni Cristo sa krus. 

Nanampalataya ka na ba kay Cristo? Kung hindi pa, wag ka nang magpatumpik-tumpik. Manampalataya ka ngayon sa Kaniya.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama