Ang marunong maghintay ay pagpapalain

 


We are in the age of the instant- instant coffee, instant noodles, instant messages... Lahat ay mabilis. Ang mga sulat na dati ay inaabot ng buwan bago dumating ay instantaneous na ngayon. Ang resulta ay hindi tayo marunong maghintay. 

We lost the art of waiting. 

Gusto nating agaran. Ayaw natin ng pabagal-bagal na serbisyo. Ayaw nating papaghintayin. Ang bawat minuto ng ating buhay, seconds even, ay mahalaga. 

And many times we bring this same mindset to our relationship with God. 

Nalilimutan nating iba ang timeline ng Diyos at hindi Siya required sumunod sa sarili nating timeline. Sabi nga ni Pedro, ang isang araw sa atin ay isanlibong taon sa Kaniya and vice versa. 

Hindi tayo marunong maghintay sa Panginoon. Gusto natin kapag hiningin natin sa Kaniya, ibibigay Niya agad. Hindi bukas, hindi sa makalawa kundi ngayon. 

We are making Him a genie na sunud-sunuran sa ating mga gusto.

Kaya hindi nakapagtatakang tayo ay laging stressed. We lose the art of slowing down. 

Ang mga patriarka ay marunong maghintay. Taon bago natupad ang mga pangako sa kanila. Ang iba ay namatay na hindi natanggap ang katuparan ng pangako. Makikita natin sa Hebreo 11 na ang ilan sa kanila ay umaasang bubuhayin muli ng Diyos matupad lamang ang pangako sa kanila. Hindi natanggap ni Abraham ang pangakong lunsod, at umaasang makukuha niya ito sa hinaharap. 

Naghihintay sila dahil sila ay may pananampalataya. 

Hindi nila minamadali ang Diyos. Hindi nila ineeskedyulan ang Diyos. They waited on Him and let Him take the lead. 

Of course hindi perfect ang kanilang paghihintay. Nagmadali si Sara at si Abraham at ang resulta ay si Ismael. Ngunit in the end, sumunod pa rin sila sa Diyos. 

Likewise, ang ating buhay ay hindi lagi perpekto. Sometimes nagmamadali tayo at binabalewala ang timing ng Diyos. But the good thing is we can always come back kapag naliligaw tayo ng landas. That is what 1 John 1:9 is for. 

When the time is right, He'll make it happen. He'll make things perfect in its time. Nothing good happens when we are always in a hurry. This is true in our daily lives. This is true in our spiritual lives. 

Wait on Him. Ang naghihintay ay binibigyan ng lakas at lilipad na tila agila. Sometimes if you want to be fast, you have to be slow. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama