Anak ng Diyos

 


Juan 1:12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:

Kung regular kang nagbabasa ng aking blogs, alam ninyong isang linggo kaming nagbakasyon sa Manila upang bisitahin ang aming anak na panganay. 

Sa sinumang magulang, ang anak ang pinakamahalaga. 

Isang malaking pribilehiyong maging anak ng Diyos. 

Ang nag-iisang kundisyon upang maging anak ng Diyos ay manampalataya kay Cristo, Juan 1:12; 3:16; Gawa 16:31. Dahil ang Diyos ay may buhay na walang hanggan, kailangan ng tao ng buhay na walang hanggan upang mamuhay kasama ng Diyos bilang Kaniyang anak. 

Hindi matatamo ang pagiging anak ng Diyos sa pamamagitan ng pisikal na dugo o pag-anib sa relihiyon. Ang pagiging anak ng Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniyang Anak. 

Ang Anak ng Diyos ang gumawa ng kaligtasan sa krus. Namatay Siya sa krus upang alisin ang hadlang ng kasalanan sa pagitan ng Diyos at ng tao. 

Nais mo bang maging anak ng Diyos? Manampalataya ka kay Cristo ngayon. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama