Walang kamatayang apoy
Mateo 25:41 Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel: 46 At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.
Pahayag 20:14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
Nagsunog ako ng basura ngayong gabi. Medyo malaki ang apoy kaya bilang precautionary measure, binasa ko ng tubig ang paligid ng apoy upang masigurong hindi ito kakalat. Ngunit kahit kahit ilang beses kong binasa ang paligid, patuloy na lumalaki ang apoy. Nag-aalala akong mawalan ako ng kontrol at madamay ang mga kabahayan.
Hindi ko maiwasang pumasok sa aking isipan ang impiyerno. Gumamit ako ng high pressure hose pero hindi ko maapula ang apoy. Imagine ang apoy na walang hanggan sa impiyerno.
Alam kong hindi popular ang impiyerno. Both atheists and certain evangelicals deny the reality of hell. Both believe the unbelieving in Christ will get out of existence (this by the way is the goal of Eastern religions- they must be ecstatic to know that the surest way to "unexist" is NOT to believe in Jesus).
Ironically, hell isn't created for man. It was created for the devils and his angels. Only when humans reject Christ will they go to hell.
Namatay si Jesus sa krus upang huwag mangyari ito. Binayaran ni Cristo ang ating mga kasalanan sa krus, inalis Niya ang hadlang ng kasalanan sa pagitan ng Diyos at ng tao, upang ang tao ay hindi pumunta sa impiyerno. Sabi nga Niya, Siya ang "daan, ang katotohanan at ang buhay."
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16.
Ang manampalataya ay hindi mapapahamak sa impiyerno. Sa halip Siya ay may buhay na walang hanggan kasama ng Diyos. Ito ay pangako ni Cristo mismo.
Hindi ito matatamo sa pamamagitan ng pag-anib ng relihiyon. Hindi ito matatamo sa pagiging mabuti. Hindi ito matatamo sa paglayo sa kasalanan. Hindi ito matatamo sa pag-aabuloy.
Lahat ng ito ay mabuti ngunit hindi ang mga ito ang paraan ng buhay na walang hanggan. Ang tanging paraan ay manampalataya kay Cristo.
Maaari mong masigurong hindi ka pupunta sa impiyerno. Manampalataya ka kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
Ano pa ang iyong hinihintay? Manampalataya na ngayon.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/
.jpeg)

Comments
Post a Comment