Unconditional love
How Do I Love Thee? Tanong ni Elizabeth Barrett Browning. Sa high school tinalakay namin ang tulang ito at ang mga sagot na tula ng ibang makata. Hindi ko layong talakayin ang tulang ito. Instead ang gusto kong talakayin ay paano pinakita ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig.
How did God love thee? Sinugo Niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang mamatay sa krus bilang kabayaran ng kasalanan. Namatay Siya upang alisin ang hadlang ng kasalanan. Walang taong mapupunta sa impiyerno ng dahil sa kasalanan dahil ito ay binayaran na ni Cristo sa Kaniyang nagtutubos na kamatayan. Ang tanging dahilan kung bakit ang tao ay pupunta sa impiyerno ay dahil hindi sila nanampalataya kay Cristo.
Umasa sila sa relihiyon, sa kanilang sariling mabubuting gawa at sa kanilang katapatan upang bigyan sila ng buhay. Ang mga ito ay mabubuti ngunit hindi sapat upang magbigay ng buhay. Ang tanging gawang katanggap-tanggap sa Diyos ay ang gawa ni Cristo sa krus.
Namatay si Cristo sa krus upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Ginawa Niya ang gawa ng kaligtasan. Wala nang natitirang gagawin ang tao kundi ang manampalataya kay Cristo.
Ang sinumang nanampalataya kay Cristo ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. Iyan ay pangako ni Cristo sa Juan 3:16. Iyan ay turo ng Biblia sa Gawa 16:31 at sa maraming sitas ng Biblia. Ang Evangelio ni Juan ay sinulat upang malaman ng mga nanampalatayang sila ay may buhay na walang hanggan. Ang Epistula ng Roma at Galatia ay sinulat upang ipaliwang ang libreng biyaya ng Diyos. Hindi ito dapat lakipan ng gawa o ng Kautusan pagdating sa kaligtasan.
Handa ka bang tugunin ang pag-ibig na ito ng Diyos? Manampalataya kay Cristo at magkaroon ng katiyakan ng buhay na walang hanggang hindi maiwawala.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment