2 Timothy 3:12 [12]Indeed, all who desire to live godly in Christ Jesus will be persecuted.
Ang bawat mananampalatayang nais na lumakad sa daan ng Panginoon ay mamamarkahan ng pag-uusig. Walang sinumang nagnanais na mamuhay nang may kabanalan ang hindi makararanas ng pighati.
Maaaring ito ay kasing simple ng pagtutuya ng mga tao. O kasing seryoso ng pagkitil sa buhay ng mananampalataya.
Maraming Cristianong namamatay dahil sa kanilang pananampalataya.
Mapalad tayo sa ating bansa at may kalayaan tayong sumamba sa ating Panginoon.
Ngunit ang bawat kwentong ito ay may kasamang pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay kumikilos upang gamitin ang mga pagsubok na ito sa ikabubuti ng Kaniyang mga anak.
Sometimes He saves us from these sufferings. Sometimes He saves us through them. Other times God use these sufferings to take us home. At all times they are meant to demonstrate the grace and power of God.
Our tests are our testimony! Tayo ang buhay na patunay that doctrine works. Tayo ang patunay na ang sinumang nagtitiwala sa Kaniya ay hindi mapapahiya.
Kaya matuto tayong tanggapin ang mga pagsubok na ito nang may kagalakan. Ang bawat pagsubok na ating pinagdaraanan ay paraan upang masubok natin ang katapatan ng Diyos na nangakong hindi Niya tayo iiwan o pababayaan.
Magtiwala sa Kaniya. Sa kamay ng Eksperto, ang bawat karanasang ating nararanasan ay magdadala sa Kaniya ng kaluwalhatian at ng pagpapala sa atin. Hindi Niya tayo pababayaan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/
Comments
Post a Comment