The rest of salvation

 


Pagod ka na bang magtrabaho para sa iyong kaligtasan? Pagod nang consistent na piliin ang tama (assuming na may kakayahan kang kilalanin ang tama), talikuran ang kasalanan at maging tapat minu-minuto ng iyong buhay? 

Good. Ang evangelio ay para sa iyo.

Ang mabuting balita ay hindi mo kailangang pagtrabahuhan ang iyong kaligtasan. Ang buhay na walang hanggan ay hindi matatamo sa pag-anib ng relihiyon, paggawa ng mabuti o pagiging tapat magpakailan man. Alam ng Diyos na hindi tayo makaaabot sa Kaniyang pamantayan. 

Dahil dito, sinugo Niya ang Kaniyang bugtong na Anak na si Jesus upang gawin ang gawa ng kaligtasan sa krus. Namatay Sjya upang bayaran ang ating mga kasalanan at hindi ito maging hadlang patungong Diyos. Ang tanging magagawa na lamang natin ay manampalataya kay Cristo. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Ang sinumang nanampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. 

Kaya kung pagod ka nang gawin ang iyong kaligtasan, bakit hindi mo subukang mamahinga kay Cristo. Siya lamang ang iyong asahang magbibigay sa iyo ng buhay na walang hanggan. Manampalataya ka sa Kaniya. 

Jesus offered rest. Take it. By faith alone in Christ alone. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama