The greatest corruption is inside the church

 


Ang ating bansa ay inalog ng mga kontrobersiya ng korupsiyon. Nariyan ang isyu ng korupsiyon sa DepEd, korupsiyon sa mga flood control projects at korupsiyon sa mga farm-to-market roads. Ngunit ang pinakamalaking korupsiyon sa bansa ay nasa loob ng ating mga simbahan. 

Ang simbahang siyang sentro ng biyaya ay naging sentro ng legalismo. 

Ang simbahan ay may dalawang misyon- una ay ikalat ang mensahe ng biyaya ng buhay na walang hanggan. Ang sinumang sumampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan. 

Ang ikalawang misyon ay ang patibayin ang mga mananampalataya sa biyaya hanggang sa sila ay makaabot sa maturidad at kawangis ni Cristo. 

Unfortunately ang ating mga simbahan is under attack. 

When it comes to salvation, laganap ang mensahe ng gawa. Para sa mga huwad na guro, hindi sapat ang biyaya ng Diyos; kailangan itong lakipan ng gawa kahit ang dalawa ay hindi tugma, Roma 11:6. Ang pananampalataya kay Cristo ay hindi sapat, kaya kailangang lakipan ng relihiyon. Kung hindi ka aanib, hindi ka magpapailalim sa mg ritwal, kung hindi ka magiging tapat hanggang kamatayan... hindi ka umano magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Ito ay mali. Malinaw sa Kasulatan na ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Makikita ito sa Juan 3:16; Gawa 16:31; at sa daang sitas ng Biblia. Ito ang mensahe ng Evangelio ni Juan. Ang mananampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. 

May atake rin sa ikalawang misyon. Para sa mga huwad na guro hindi sapat ang biyaya upang lumago sa maturidad. Kaya hinahaluan nila ito ng legalismo. Pinaghahalo ang dispensasyon ng biyaya sa Kautusan ni Moises. Hinahalo ang mga alituntuning gawa lamang ng tao. Banal sa mata ng tao ngunit mga libingan sa mata ng Diyos. 

Ang dalisay na mensahe ng biyaya sa kaligtasan at sa sanktipikasyon ay inaatake. Ang korupsiyon ni Satanas, ang pampaalsa, ay naihalo na. Marami ang kumikilos sa pinaghalong biyaya at legalismo. 

Hindi nakapagtatakang ang simbahan ay walang kapangyarihan. Walang katiyakan ng kaligtasan. Walang sense of destiny. Bawat hakbang ay may halong takot. Takot na hindi makaabot sa pamantayan. Takot na baka kulang. 

Ang Cristiano ay kumpleto kay Cristo. Hindi niya kailangan ng karagdagang Kautusan. Hindi niya kailangan ng pantaong kabaitan. Ang kailangan niya ay lumakad sa kabanalan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ginagamit ang Salita ng Diyos. 

Palayain natin ang ating mga sarili sa pang-aalipin ng Kautusan. Manghawak sa biyaya. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama