The formula of divine love
Paano mo maipapakita ang iyong pag-ibig? Si Gary Chapman ay may 5 love languages. Ang Diyos ay pinakita ang Kaniyang pag-ibig sa pormulang 1 cross plus 3 nails equals 4given.
Ang krus ay demonstrasyon ng pag-ibig ng Diyos. Ayaw Niyang mapahamak ang tao sa impiyerno, kaya sinugo Niya ang Kaniyang Anak na si Cristo upang mamatay sa krus bilang kabayaran ng kasalanan ng sanlibutan.
Nang mamatay si Cristo sa krus, inalis Niya ang kasalanan bilang hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao. Walang taong mahihiwalay sa Diyos ng kasalanan. Ang tanging magdadala sa tao sa kapahamakan ay kung hindi siya manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Kung napapatanong ka kung mahal ka ng Diyos, huwag ka nang lumayo. Ang krus ay patunay na mahal tayo ng Diyos. Ayaw Niyang mapahamak tayo kaya binigay ng Anak ang Kaniyang buhay para sa atin.
Mahal ka ng Diyos. Ang krus ang patunay niyan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment