The cure to judgmentalism is to remember we're dust
Isa sa mga dahilan kung bakit laganap ang judgmentalism sa Simbahan ay nalimutan natin ang biyaya ng Diyos. Minsan tayong makasalanan, ngunit dahil sa biyaya ng Diyos, nang tayo ay manampalataya, tayo ay Kaniyang niligtas at binigyan ng buhay na walang hanggan.
Sa simula, puno tayo ng pasasalamat sa puso. In time, nanlalamig ang ating apresasyon ng biyaya at nalipat ang ating atensiyon sa sarili nating mga gawa.
Sa halip na alalahaning tayo ay alabok, nilagay natin ang ating sarili sa pedestal and we look down on everyone else.
That is sad. Si Apostol Pablo ay hindi kailan mang nalimutang siya ay makasalanan. In fact tinawag niya ang kaniyang sarili bilang chief of sinners. Hindi niya nakalimutang kung hindi dahil sa awa ng Diyos sa kaniyang kaignorantehan, wala sana siyang kaligtasan.
Nanatili siya sa paanan mg krus. Ang pag-ibig ng Diyos na nahayag sa krus ang nagtulak sa kaniyang ibahagi ang mensahe ng buhay sa lahat ng handang makinig (at kahit sa ayaw makinig!).
Sa sandaling malimutan nating tayo ay mga alabok, at magbigay tayo ng undue importance sa ating sarili, we're bound to measure everything by our own standards. Sooner or later we'll start judging anyone who is not like us. When that happens we're no longer walking in grace. We've fallen from grace and walking in the flesh.
Bumalik tayo sa paanan ng krus. Ang biyaya ng Diyos ay sariwa at sapat para sa lahat. Huwag nating kunin ang prerogatibong para lamang sa Diyos. Hayaan natin Siyang maging Diyos at tayo ay nilalang. Hayaan natin Siyang maging Hukom at tayo ay tagasunod lamang.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment