Thank You Jesus for dying for me

 


Ngayon ay Resurrection Sunday. Ipinagdiriwang ng iba't ibang tradisyung eklesiastikal ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo. 

Ngunit more than the rituals, more than the annual remembrance, tanungin natin kung bakit kailangang mamatay ni Cristo in the first place. 

Makasalanan ba si Cristo? Kriminal ba Siya? May nagawa ba Siyang mali? 

Ang malinaw na sagot sa lahat ng mga tanong na ito ay isang mariing HINDI! Hindi Siya pinako sa krus dahil Siya ay makasalanan. Ipinako Siya sa krus para bayaran ang ating mga kasalanan. 

Ang kasalanan ang hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao. Naisin man ng taong lumapit sa Diyos, hindi niya magawa dahil hindi siya nakaabot sa pamantayan ng Diyos, Roma 3:23. 

Dahil dito naghihintay ang kamatayan. Hindi simpleng pisikal na kamatayan lamang kundi ikalawang kamatayan sa lawa ng apoy. 

Dahil sa pag-ibig ng Diyos, ayaw Niyang tayo ay mapahamak. Sinugo Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, si Cristo, upang mamatay sa krus at bayaran ang ating mga kasalanan. Inalis Niya ang kasalanan bilang hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao. Walang taong pupunta ngayon sa lawa ng apoy ng dahil sa kasalanan. Ang tanging magdadala sa tao sa impiyerno ay ang hindi pananampalataya kay Cristo. 

Ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Hindi ang umanib sa relihiyon, hindi ang magpabautismo, hindi ang mag-abuloy at hindi ang maglingkod. Lahat ng ito ay mabuti at may kapakinabangan. Ngunit wala sa mga ito ang sapat upang magbigay ng buhay. 

Ang tanging gawang katanggap-tanggap sa Diyos ay ang gawa ni Cristo sa krus. Sa krus tinapos ni Cristo ang gawa ng kaligtasan. Ang tanging natitirang gagawin ng tao ay tanggapin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng pananampalataya. 

Kung ang tao ay manampalataya kay Cristo, siya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. 

Sinabi iyan sa Juan 3:16. Sinabi iyan sa Juan 6:47. Sinabi iyan sa Gawa 16:31. Sinabi iyan sa mahigit isandaang sitas (150 verses ayon kay L. S. Chafer). 

Salamat Jesus sa Iyong sakripisyo sa krus. Salamat sa kaligtasang Iyong inaalok sa tao. Salamat na ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay pananampalataya lamang. 

Nanampalataya ka na ba kay Cristo? Manampalataya ka na ngayon bago matapos ang araw ng biyaya. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama