Sure ka bang naka-register ka na?

 


Imagine nakaempake ka na at sumakay ng eroplano upang dumalo sa isang international conference. Ngunit pagpasok mo sa hotel na siyang venue ng conference hindi ka pinapasok. It turned out hindi ka registered. 

What a folly!

Sayang na oras, pera at enerhiya!

But the bigger folly?

Ang iwan ang buhay na itong hindi registered sa Aklat ng Buhay ng Kordero!

Revelation 20:15 [15]And if anyone's name was not found written in the book of life, he was thrown into the lake of fire.

I don't know about you pero wala akong balak na maitapon sa lawa ng apoy!

Ang sinumang wala sa Aklat ng Buhay ay gugugol ng eternidad sa lawa ng apoy. 

Ang tanging paraan upang maiwasan ang kapalarang ito ay ang manampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ang sinumang manampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31. 

Ang pangako ay malinaw: ang nanampalataya ay may buhay na walang hanggan. Mabubuhay siya forever kasama ng Diyos. Hindi siya mapapahamak sa lawa ng apoy. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Hindi mo matatamo ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pag-anib sa relihiyon o paggawa ng kabutihan. Ang tanging kailangang gawin ng tao ay manampalataya kay Cristo. 

Sa ating halimbawa, you can always fly home. But if you die without Christ, there is no second chances, Heb 9:27. Make sure ro be registered in the Book of Life by believing in Jesus. Get yourself registered before leaving this life. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama