Sana nakinig ako
There is no second chance. Masakit mang pakinggan, kapag ang tao ay namatay na hindi nanampalataya kay Cristo, siya ay haharap sa paghatol, Heb 9:27.
Ang tamang panahon upang makinig evangelio at maligtas ay ngayon. Tomorrow is not promised and if you die today without believing in Jesus, you'll go straight to the fires of Hell (then later on to the Lake of Fire).
Kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon. Kung nababasa mo ang blog na ito, gusto kong ipakilala ka sa Cristong namatay sa Krus sa pagbayad ng ating mga kasalanan.
Ganuon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak na si Jesus upang mamatay sa Krus at bayaran ang ating mga kasalanan. Inalis Niya ang kasalanan bilang hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ang sinuman ay maaari nang makalapit sa Ama kung siya ay mananampalataya sa Tagapagligtas, si Cristo.
Ginawa at tinapos ni Cristo ang gawa ng kaligtasan sa Krus. Ang tanging natitirang maaaring gawin ng tao ay manampalataya kay Cristo upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Hindi niya ito matatamo sa pamamagitan ng pag-anib sa relihiyon o paggawa ng mabuti. Ang tanging gawang katanggap-tanggap sa Diyos ay ang gawa ni Cristo sa Krus. Ang tanging gawang tanggap ng Diyos ay ang manampalataya kay Cristo, Juan 6:49.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito. Ang sabi nila ay nasa huli ang pagsisisi. Huwag nawang dumating na habang nagtatampisaw ka sa lawa ng apoy ay sabihin mong, "Sana nakinig ako." There is no post mortem salvation. You have to believe now before you die.
Have you believed in Jesus for eternal life?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment