Positional cleansing
Titus 3:5 [5]He saved us, not on the basis of deeds which we have done in righteousness, but according to His mercy, by the washing of regeneration and renewing by the Holy Spirit...
Naglinis ako ngayon ng sala. Naturally ang aking isipan ay nasa paglilinis. Kaya ang blog ngayon ay may temang cleansing.
Ang kasalanang naghihiwalay sa tao mula sa Diyos ay maikukumpara sa dumi. Since lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa pamantayan ng Diyos, lahat ay marumi.
Ngunit ayaw ng Diyos na manatiling marumi (at hiwalay sa Kaniya) ang Kaniyang mga nilikha. Sinugo Niya ang Kaniyang Bugtong na Anak upang mamatay sa krus sa pagbayad ng ating mga kasalanan.
Masasabi nating ang Kaniyang dugo ang sabong nag-aalis ng dumi ng kasalanan. Walang taong malalayo sa Diyos ng dahil sa dumi ng kasalanan.
Dahil inalis na ni Cristo ang dumi ng kasalanan, malaya ang taong lumapit sa Diyos. Ang sinumang lumapit sa Diyos sa pananampalataya ay sinusuotan ng Diyos ng bagong puting kasuotan ng katuwiran. Samakatuwid ang nanampalataya kay Cristo ay mayroong buhay na walang hanggan AT mayroong katuwiran ni Cristo.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Hindi lamang diyan, binibilang din ang kaniyang pananampalataya bilang katuwiran. Hindi Siya matuwid ngunit nang manampalataya siya kay Cristo, si Cristo ang naging katuwiran niya. Nang masdan ng Diyos ang manampalataya, nakita Niya si Cristo sa mananampalataya at dahil diyan dineklara ang mananampalatayang matuwid.
Gaano man tayo karumi (gaano man karami ang kasalanan), kapag nanampalataya tayo, tayo ay Kaniyang lilinisin at bibigyan ng buhay na walang hanggan.
Matatawag natin itong positional cleansing. Malinis tayo hindi dahil sa tayo ay mabuting tao kundi dahil sa posisyun natin kay Cristo.
Manampalataya ka ngayon sa Kaniya at tamasahin anh dibinong paglilinis.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment