Popular but not reliable
Just because you have many people listening to you it doesn’t mean you’re an accurate Bible teacher. It just means alam mo kung paano kunin ang kiliti at atensiyon ng tao.
Ayon kay Santiago, huwag magnasa ang lahat na maging mga guro dahil ang mga guro ay nasa ilalim ng mas mahigpit na paghatol.
Hindi dapat ipagpalit ng isang guro ng Biblia ang accuracy ng pagtuturo ng Salita ng Diyos para lamang sa popularidad. Maraming gurong nais na maging popular, ang magkaroon ng maraming miyembro kaya kanilang pinalalabnaw ang Evangelio.
Pinagagaan ng maraming guro ang miyembro upang hindi maging mabigat sa mga tao ang mensahe. Mabigat sa pakikinig ang katotohanang hindi natin maliligtas ang ating sarili at kailangan nating umasa sa iba para magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Hinahaluan ng maraming guro ang dalisay na biyaya ng Diyos ng legalismo upang maging katanggap-tanggap sa mga tao ang mensahe ng buhay.
May mga gurong hinahaluan ng gimmick ang pagtuturo ng Salita ng Diyos. In some cases a Sunday worship service looks more like a concert than worship.
May mga gurong sa halip na ituro ang full counsel of God ay paulit-ulit lamang sa mga paboritong temang nais mapakinggan ng mga tagapakinig.
May mga gurong hindi maituro ang Salita ng Diyos nang walang takot dahil baka ma-offend ang miyembro.
Iligtas tayo ng Diyos sa mga gurong kinakamot ang tainga ng mga tagapakinig!
Ang guro ay may isang misyon: ituro ang Salita ng Diyos nang walang takot, popular man o hindi ang hakbang na ito.
Ang kaniyang isip ay kung paano mapasiya ang Diyos, hindi ang aprubal ng tao.
Mapalad ang mga simbahang may mga gurong nakatuon sa sistematikong pagtuturo ng Salita ng Diyos. Nawa makasumpong kayo ng ganitong mga guro.
Kung makasumpong kayo ng mga gurong tapat sa pagtuturo ng Diyos, mapalad kayo. Sana mahalin at pahalagahan ninyo ang mga gurong ito. Ingatan ninyo sila dahil sila ang nangangalaga sa inyong mga kaluluwa.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment