Pagkatapos ng prayer meeting, nag-tsismis

 


Santiago 3:9 Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios...

People can be so funny. Katatapos pa lang ng prayer meeting, nanlalait na ng kapwa. Ang bibig na ginamit sa pagpuri sa Ama ay ginagamit sa paninira ng iba. Ang iba ay sobrang husay, pinagsasabay ang pagsamba sa Diyos at paninira ng kapwa. 

Hindi ito pagpuri kundi pagpuna. 

Ang dila ay isang makapangyarihang bahagi ng katawan. Maaari itong makapagpatibay sa iba o makapanghina ng loob ng iba. 

Sabi nga sa Kawikaan, ito ay may kapangyarihan ng buhay at ng kamatayan. 

Maaaring hindi literal na nakamamatay ang iyong dila (wala kang kinontratang hired killer) pero kung ang iyong pananalita ay nakasisira sa iba, maaaring magresulta ito sa suicide o depresyon. Maaari rin ito sa porma ng character assassination. 

On the other hand, maraming taong gusto nang sumuko ang nagpatuloy dahil sa encouragement. Maraming nagtagumpay dahil may naniwala sa kanila at tinulak sila upang magpatuloy kung saan marami ang sumuko. 

Dahil sa kapangyarihang taglay ng dila, dapat tayong maging maingat sa paggamit nito. Huwag natin hayaang sirain ang taong nilalang sa kawangis ng Diyos. Huwag nating balewalain ang taong kinamatayan ni Cristo. 

The fact that Christ died for a person is reason enough to respect the person. 

Magtanim tayo ng mabuting salita. In the future, we'll definitely reap good things. Kung hindi man sa buhay na ito, sa Bema. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama