Not a blessing
Ang pagkakaroon ng kayamanan ay hindi nangangahulugang pagpapala ng Diyos. Alalahaning si Satanas ay inalok ang Panginoon ng lahat ng kaharian ng mundo. Maraming taong hindi magawang tanggihan ang ganitong alok.
Kung ang kayamanan ay dumating ng dahil sa kasalanan, ito ay hindi pagpapala. Ito ay si Satanas na tinutukso kang mahiwalay sa pakikisama sa Diyos sa pamamagitan ng kayamanan.
Kung kailangan mong gumawa ng krimen upang magkaroon ng kayamanan, iyan ay hindi blessings.
Kung kailangan mong manloko ng tao upang magkaroon ng kayamanan, iyan ay hindi blessings.
Kung kailangan mong manira ng iba upang magkaroon ng kayamanan, iyan ay hindi blessings.
Kunh kailangan mong mag-cut ng corners upang magkaroon ng kayamanan, iyan ay hindi blessings.
Kung nalalayo ka sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at paglilingkod upang magkaroon ng kayamanan, iyan ay hindi blessings.
Ang blessings ng Diyos ay parte ng birth right ng Cristiano ngunit maeenjoy niya lamang ito kung siya ay lumalakad na kasama ng Diyos.
Si Satanas ay nag-aalok ng counterfeits. Ang mga ito ay dumarating nang hiwalay sa pamumuhay na kasama ng Diyos.
Maging maingat tayo mga Cristiano. Ang kayamanan ay neutral ngunit ang pagkamal nito at saloobin patungkol dito ay hindi. It takes maturity to enjoy wealth without being separated from God. Divine wealth is given so we can be a blessing to others.
Serve God. Wealth will follow of He wills it.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment