Money or Jesus Christ
Money is a good servant but a poor master. And when it comes to eternal life, it is useless.
Nagtatrabaho tayo para magkaroon ng pera at ma-enjoy ang mga bagay na mabibili ng pera. Hindi nakabibili ang pera ng kasiyahan pero makabibili ito ng mga materyal na bagay na nakapagbibigay kasiyahan sa iba. And for most people these are practically synonym.
Maaaring magbigay ng comfort ang pera. Makabibili ka ng mga appliances na magpapadali ng trabaho. Ramdam mo ang comfort ng pera kapag nadala ka sa ospital. Makakarequest ka ng komportableng silid na hindi mo kailangang ibahagi sa iba, may air-con at may pribasiya.
Ngayong mahal ang mga bilihing resulta ng pagtaas ng presyo ng gasolina, makikita mo ang pagkakaiba ng may pera sa wala. Ang mga walang pera ay nagdurusa. Hindi ramdam ng may pera ang epekto ng giyera.
Ngunit pagdating sa buhay na walang hanggan, ang may pera ay wala ay nasa parehong tindigan. Pareho silang hindi maliligtas ng pera (o ng kawalan nito).
Hindi mababayaran ang buhay na walang hanggan. Walang salaping makasisiguro ng kaligtasan.
Sabi nga ni Pedro ang ating katubusan ay hindi sa ginto at pilak kundi sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.
Namatay si Cristo sa isang dahilan- bayaran ang ating kasalanan. Dahil sa gawa ni Cristo sa krus, walang taong mahihiwalay sa Diyos nang dahil sa kasalanan. Inalis ni Cristo ang hadlang ng kasalanan sa krus. Siya ang Korderong nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Ginawa ni Cristo ang gawa ng kaligtasan kaya wala kang maidragdag o mababawas dito. Ang tanging natitirang gagawin ng tao ay manampalataya kay Cristo.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Hindi mo matatamo ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pag-anib sa relihiyon, paglilingkod o pag-iwas sa kasalanan. Ang mga ito ay mabuti, ngunit hindi sapat at walang kakayahang magbigay ng buhay na walang hanggan.
Ang tanging kailangang gawin ng tao ay manampalataya kay Cristo. Kung manampalataya ka ngayon kay Cristo, ngayon mismo ay may buhay na walang hanggan ka.
Ang pera ay nakabibili ng maraming bagay. Pero hindi ito makabibili ng buhay na walang hanggan. Ito ay libreng kaloob sa lahat ng manampalataya kay Cristo. Ito ay regalong hindi mawawala kailan man. Manampalataya ka ngayon kay Cristo at mag-enjoy ng kaligtasang hindi mabibili ng salapi.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/

Comments
Post a Comment