Love that is greater than sin
"For God so loved the world that He gave His only begotten Son..."
"But God demonstrates His love towards us in that while we're yet sinners, Christ died for us..."
Ang Bible ay paulit-ulit sa pagsabing ang kamatayan ni Cristo sa Krus ay isang akto ng pag-ibig. Sinakripisyo ng Ama ang Kaniyang Anak upang tubusin ang tao sa kasalanan.
Hindi namatay si Cristo dahil Siya ay makasalanan. Malinaw sa Biblia na Siya ay walang kasalanan ngunit namatay upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos.
Hindi Siya namatay dahil sa kakulangan ng kapangyarihan. Si Cristo mismo ang nagsabing maaari Siyang humingi sa Ama ng labindalawang lehiyong mga anghel.
Nang Siya ay huhulihin ng mga kaaway, ang mga ito ay natumba nang dahil lamang sa Kaniyang Salita.
Malinaw na walang magagawa ang tao laban sa Kaniya maliban sa Kaniyang boluntaryong partisipasyon sa plano ng Diyos. Siya ang Korderong mag-aalis ng kasalanan at ginampanan Niya ito nang bukal sa loob.
Ang tanging magagawa na lamang ng tao ay suklian ang pag-ibig na ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng kaligtasang alok ni Cristo. Ang kaligtasang ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya kay Cristo ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Hindi matatamo ang buhay na walang hanggan sa pag-anib sa relihiyon o sa paggawa ng mabuti hanggang kamatayan. Kahit pa talikuran mo ang kasalanan at hindi na magkasalang muli at maglingkod sa Diyos nang buong katapatan hanggang kamatayan, hindi ka pa rin maliligtas. Ang tanging gawang tinatanggap ng Diyos ay ang gawa ni Cristo sa krus at matatamo lamang natin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang.
Huwag mong sayangin ang pag-ibig na ito. Manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment