Live for Him who died for you
Namatay si Jesus sa isang dahilan- tubusin ang tao mula sa kasalanan. Ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Dahil si Cristo ay namatay upang iligtas tayo, hindi ba tama lamang na mamuhay tayo para sa Kaniya.
Kung may taong nagbayad ng iyong mga utang, hindi ba kagandahang asal ang nagtuturo sa ating hindi man natin mabayaran ang taong nagbayad ng ating utang, gagawin natin ang lahat ng magagawa natin upang ipakita ang ating utang na loob? Hindi tayo matatapos sa pasasalamat at ibibigay natin ang lahat ng ospitalidad na kaya nating ibigay.
Ang binayad ni Jesus upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan ay ang Kaniyang buhay mismo. Ngunit ilang Cristianong gagawin ang lahat upang ipakita ang gratitude sa Kaniya?
Maraming Cristianong ang pilosopiya sa buhay ay, "Bye, bye Lord, kita-kita na lang tayo sa langit," habang ibinibigay ang sarili sa pita ng laman. Walang pagnanasang maglingkod sa Kaniya.
Sasabihin nating ang taong ito ay walang utang na loob. For some reason, pag espirituwal ang pag-uusapan, ito ay tinuturing na pagiging wais.
Namatay si Jesus para sa atin kaya tama lamang na mamuhay tayo para sa Kaniya. Ngunit marami sa ating mas gusto ang aprubal ng mga taong hindi mananampalataya sa Kaniya. Gusto nating hangaan tayo ng mga tao. Gusto nating makuha ang pakikipagkaibigan at negosyo ng mga walang pananampalataya sa Kaniya.
Huwag nating hayaang diktahan ng mga hindi mananampalataya ang ating pamumuhay. Hindi sila ang namatay para sa atin. Si Jesus ang namatay para sa atin. Mamuhay tayo para sa Kaniya.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment