Know your priorities
Kung susumahin ang iyong buhay sa 5 salita, ano ang mga ito? Iminumungkahi ko ang 5 salita sa itaas bilang ekselenteng sumaryo ng isang lalaking may kahulugan ang buhay.
Una ay God. Ang makahulugang buhay ng isang lalaki ng Diyos ay umiikot sa Diyos. Siya ang kaniyang prioridad. Ang kaniyang buhay ay umiikot sa kaluwalhatian ng Diyos at sa ikatitibay ng Kaniyang mga anak. Ang Diyos ang malaking bato ng kaniyang sisidlan. Naglalaan siya ng panahon para sa Diyos at ang kaniyang iskedyul ay inaangkop sa nais ng Diyos.
Ang ikalawa ay gym. May empasis siya sa fitness. Ang epektibong paglilingkod sa Diyos at ikatitibay ng kaniyang pamilya at ng simbahan ay nananawagan ng malakas na pangangatawan. Iniingatan niya ang kaniyang sarili upang makapaglingkod sa Diyos at mapagyaman ang pamilya.
Siya ay may goals. Ang goals niya ay umiikot sa pagluwalhati sa Diyos, pag-alaga sa pamilya at pagiging lalaki ng tahanan. Nauunawaan niyang ang kaniyang tagumpay ay tagumpay ng pamilya.
Siya ay nagnanais ng tunay na growth. Sa kaniyang paglago, mas magiging kapaki-pakinabang siya sa simbahan at mas lalong mapagbubuti niya ang kaniyang pamilya. Ang growth ay hindi masusukat sa pera lamang kundi kaakibat ang paglago espirituwal at mental.
Sa panghuli, siya ay may gratitude. Marunong siyang magpasalamat una sa Diyos at ikalawa sa lahat ng taong tumulong sa kaniya. Hindi siya credit-grabber. Masaya siyang ibigay ang kredito sa karapatdapat. Hindi niya kawalan ang magbigay pugay sa iba. Hindi ilalabo ng kaniyang ilaw ang alab ng iba.
Kung ang limang ito ay prioridad ng isang lalaki, magiging matagumpay siyang lalaki.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment