Jesus, My Savior
You can have several doctors, lawyers or other professions, but you can only have one Savior, the God-Man, Jesus Christ.
Sinugo ng Ama si Jesus upang bumaba sa lupa, maging tao at mamatay sa krus sa isang dahilan- ang bayaran ang ating mga kasalanan. Namatay Siya upang alisin ang hadlang ng kasalanan. Walang taong pupunta sa impiyerno nang dahil sa kasalanan. Pupunta siya sa impiyerno kung itatakwil niya ang Panginoong Jesucristo bilang Tagapagligtas.
Ginawa ni Cristo ang gawa ng kaligtasan sa krus at walang natitirang gagawin ang tao malibang manampalataya sa Kaniya.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31.
Dahil Siya ang Tagapagligtas, hindi natin maliligtas ang ating sarili. Anumang ating gawing kabutihan ay walang ambag sa ating kaligtasan. Maaaring ang mga ito ay nakatutulong sa ibang mga tao ngunit hindi ito makabibili ng buhay na walang hanggan.
Nagtitiwala tayo sa doktor, kahit siya ay nagkakamaling tao, para sa ating paggaling. Nagtitiwala tayo sa abugado, kahit siya ay limitado, para ipagtanggol ang ating katapatan. Nagtitiwala tayo sa mga sundalo, sa kabila ng kanilang kakulangan, upang ipagtanggol ang ating kalayaan. Bakit hirap tayong magtiwala sa Diyos na naging Tao upang iligtas tayo mula sa impiyerno?
Huwag nang mag-atubili. Manampalataya kay Cristo bago mahuli ang lahat.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment