It is okay to rest
Maghapon akonv napagod kalilinis ng aking bookshelves. Talo ko pa ang nag-workout sa pagbuhat, pag-akyat at pagbaba ng mga libro. I am really, really tired. I wanted to sit and rest.
But there is another kind of tiredness na hindi maidadaan sa pag-upo at pagpahinga. I am talking the kind of tiredness na ang naaapektuhan ay ang kaluluwa.
Patuloy na tumataas ang mga bilihin ngunit ang sweldo ay pareho pa rin. Napapagod ang katawan at napapagod din ang isipan kung paano pagkasyahin ang kararampot na pera. Kasabay ng pagod ng katawan ay ang pag-aalala. Huwag nawang dapuan ng sakit o karamdaman o anumang uri ng emergency.
Sa mga panahong ito, wala kang malalapitan. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang pasan. Gustuhin man ng ibang tulungan ka, abala rin sila sa kanilang sariling problema.
Ngunit huwag mag-alala. May Diyos tayong malalapitan. Naghihintay Siya upang humingi tayo ng tulong sa Kaniya.
Sino ba ang tatawagin ng mga anak kundi ang kanilang Ama?
Ibigay natin sa Kaniya ang ating mga alalahanin dahil Siya ay nagmamalasakit sa atin. Nais Niya ang ating ikabubuti.
Sa panahong tayo ay nabibigatan, nag-aalok Siya ng kapahingahan. Mamahinga tayo sa Kaniya at magtiwalang Siya ang tunay na kapahingahan.
Natural lang sa ating mga taong manghina. Ngunit ang mga Cristiano ay may pagkukunan ng lakas. Matanto nawa nating hiwalay sa Kaniya, tayo ay mahina.
Kapit lang mga kapatid. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Naibigay nga Niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang solusyunan ang ating espirituwal na problema, ito pa kayang pang-araw-araw na problemang hindi na nangangailangang ibigay muli ang Kaniyang Anak?
Magtiwala sa Diyos at masdan ang Kaniyang pagliligtas.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment