It is more fun in Amoguis
Walang kuryente sa Goa kaya umuwi kami sa Amoguis upang takasan ang init. Normally, Sabado kami umuuwi pero pinalit namin ang araw ngayon.
I looked forward to this hindi lamang dahil sa masyadong mainit sa bahay sa Gimaga but also because masaya ang kwentuhan sa Amoguis.
Natutuwa akong pagmasdan si Misis at ang kaniyang mga magulang at kapatid na aligaga sa pagluluto at kwentuhan.
Today, tulong-tulong ang lahat na magluto ng ginataang kamoteng kahoy para sa pananghalian. Para sa meryenda, ang pamilya ay abala sa paggawa ng suman balinghoy. Nagluto rin si Nanay ng miracle fruit. Maganda sa kalusugan ang katas nito. May “niluong” palayok din si Nanay. Masarap magluto sa palayok.
Masarap kumain. Pero mas masarap makita ang bawat isang nagtutulungan. Panalangin ko sa Panginoong sana hanggang sa pagtanda ng mga bata at may sarili na ring mga anak, ganito pa rin kalapit ang pamilya. Sana abutan nila Tatay at Nanay ang kanilang mga apo sa tuhod. Sana tayo na ang Rapture generation at sama-samang ma-Rapture. This way, nobody has to die. We'll just transition from this life, to life in the Kingdom, and then to eternity.
Malutong ang halakhak ni Misis. Ang saya nilang tingnang magkwentuhan at magtawanan.
Mapalad akong makapag-asawa sa close na pamilya. Galing ako sa broken family at hindi ko masasabing close ako sa sarili kong pamilya. Ang mapabilang sa pamilya ni misis is refreshing.
Sana lahat ng pamilyang Cristiano ay kagaya ng pamilya ni Misis. Sana ang bawat simbahang Cristiano ay ganito – nagkakaisa at nagtutulungan.
Bago kami maghiwa-hiwalay, nagkasundo kaming sa susunod na Sabado, binut-ong naman ang lulutuin.
Masaya talagang ibahagi ang buhay sa mga taong malapit sa iyo. Ang bukas ay hindi garantiasado. Be sure to love your family today.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment