Inaalis ang mga sanga

 


Juan 15:2 Ang bawa't sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.

Kanina nagtabas ako ng mga sanga upang maging mas maaliwalas ang bakuran. Nilinis ko ang makakapal na mga sanga at dahon upang mas maging maaliwalas at maayos ang bentilasyon. 

Masaya akong naging maliwanag ang bakuran. Biro ko nga kanina, at least nakita na ang poste ng kuryente. 

Wala akong tanim na ubas pero naalala ko ang Juan 15. Ang mga mananampalataya ay kinumpara sa puno ng ubas. Nagtatabas ang Diyos ng mga sanga upang mapabuti at maging mabunga ang mga ubas. 

Ang mga sangang hindi mabunga ay inaalis at ang mga sangang mabunga ay nililinis. Sa ganitong paraan ang sustansiya ay nakatuon sa mga sangang mabunga at hindi makaaagaw ang mga sangang walang bunga. 

Sa buhay ang Diyos ay may kaparehong sistema. Aminin na natin, ayaw natin ng pruning system ng Diyos. Ngunit kung hahayaan natin Siya, magiging mabunga ang ating mga buhay. 

For sure masakit. Hindi komportableng alisin ang mga bagay na humahadlang sa ating bunga. Nasanay na tayo sa mga kaisipan, saloobin, gawain at relasyong ito. Masakit sa loob ang madiskubreng may mali tayong kaisipan, saloobin, pagpapahalaga at gawaing hindi nakalulugod sa Diyos. Mahirap putulin ang mga relasyong hindi nakalulugod sa Kaniya. 

Our whole body is rebelling against the process. But if we trust Him, we'll be fruitful. 

It is a lifelong process of change. It isn't comfortable. But it is needed. 

That is why we need the Word of God to sustain us during this painful process. 

It will be worth it kung pagkatapos ng proseso, tayo ay mabunga. At the end, we'll be what He had always intended - kawangis ni Cristo. 

Trust the process because God controls the process. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama