In His hands


 
Habang tumatagal, lalong humihirap ang buhay. Tumataas ang bilihin at dumarami ang gastusan. Mas mabilis dumagdag ang gastusan kaysa sa sweldo. 

Nandiyan din ang pag-aalala sa kaligtasan sa krimen at aksidente. Kaliwa't kanan ang napapabalitang nakawan, patayan at pang-aabuso. Sunod-sunod din ang balita ng aksidente ng mga sasakyan. 

Nakadaragdag din sa stress ang katiwaliang nagaganap sa bansa. Sa halip na pamahalaan nang maayos ang pondo ng bayan, ito ay binubulsa ng iilan. 

Dagdag pa rito ang tila aso't pusang pag-aaway ng mga pulitiko at ang nagpapatuloy na digmaan sa Gitnang Silangan. 

Ang mga ito ay tulong-tulong upang pababain ang morale ng mga tao at magbigay ng alalahanin. 

Ngunit hindi dapat magkaganito ang isang Cristiano. Malinaw sa Efeso 1:19ss na may kapangyarihang available para sa lahat ng mananampalataya. Hindi sinabing sa iilan lamang kundi sa lahat. Ayon kay Pedro binigay ng Diyos ang lahat ng ating kakailanganin sa buhay at kabanalan. 

Matuto tayong ilagay sa kamay ng Diyos ang lahat ng alalahanin. Nakaupo Siya sa trono at kontrolado ang lahat ng mga bagay. Walang dumarating sa ating buhay na hindi Niya pinahintulot. 

Kung maaalala natin ito lagi, magkakaroon tayo ng kapayapaan ng isipan. 

Maraming nagkakaproblema sa mental health dahil sinisikap na pasanin ang lahat sa sariling kapangyarihan. Kapit sa patalim sabi ng isa. Ten fingers plus ability sabi naman ng iba. Diskarte at tapang lang sabi naman ng ilan. 

Ngunit ang husay ng isang bagay ay nakadepende sa katatagan nito. Gaano man tayo kagaling, mayroon tayong limitasyon. Ang limitasyong iyan ang nagbibigay ng alalahanin. 

Hindi natin makokontrol ang galaw ng mga bilihin. Hindi natin kontrolado ang mga digmaan. Hindi natin kontrolado ang daloy ng pulitika. 

Kung maiistres tayo sa mga bagay na hindi natin kontrolado, magsa-suffer ang ating mental health. 

Ipagkatiwala natin ang lahat sa Kaniya. Magtiwala tayong hindi Niya tayo ilalagay sa mga bagay na magdadala ng kapahamakan. 

Ang Kaniyang pag-ibig at pagmamalasakit ang ating proteksiyon sa gitna ng mga alalahanin ng buhay. 

Napakaikli ng buhay upang gugulin sa pag-aaalala. Kung may time kang maistres, may time ka upang magtiwala sa Kaniya. 

In the end, everything that is happening is temporary. Ang mahalaga ay prepared ka when eternity comes. Have you believed in Jesus for eternal life? Kung hindi pa, gawin mo na ngayon. Anumang mangyari, secured ka sa katotohanang you will be with Him forever. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama