"I am thinking of you," Jesus.
"Nobody cares for my soul," iyak ng salmista. But the truth is while Jesus is hanging on the Cross, He has everyone (including you) in His mind.
After all, bakit pinako si Cristo? Hindi Siya pinako dahil Siya ay kriminal. Hindi Siya pinako dahil Siya ay nagkasala. Pinako Siya dahil Siya ang kabayaran ng ating mga kasalanan. Sa Kaniyang kamatayan sa krus, inalis Niya ang hadlang ng kasalanan.
Ginawa ni Cristo ang gawa ng kaligtasan sa krus. Wala na tayong maidaragdag o mababago rito. Ang tanging magagawa na lang ng tao ay manampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo, Juan 3:16.
Binata ni Jesus ang sakit sa krus dahil gusto Niya tayong iligtas mula sa ating mga kasalanan. Ang krus ay inhustisya sa parte ng mga tao, ngunit sa parte ng Diyos ito ay demonstrasyon ng pag-ibig ng Diyos. Ginamit Niya ang inhustisya ng tao upang tugunan ang hiningi ng Kaniyang hustisya- ang kamatayan. Ayaw Niyang mapahamak ang tao Kaya ang Diyos, sa katauhan ni Cristo, ang nasapo ng penalidad.
Huwag nating itakwil ang pag-ibig na ito. Tanggapin natin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment