His wounds healed me
Ngayong Biyernes Santo, ginugunita ang kamatayan ni Cristo dalawang libo na ang nakaraan. Ang bawat tradisyon ay may kaniya-kaniyang paraan ng paggunita.
Ngunit hingit sa paggunita ay ang tanong na bakit? Bakit kailangang magdusa at mamatay si Cristo sa krus?
Wala Siyang kasalanan at hindi Siya kriminal. Ngunit Siya ay hinatulan ng parusang kamatayan.
Ang dahilan ay upang bayaran ang kasalanan ng sanlibutan. Namatay si Jesus upang alisin ang hadlang ng kasalanan. Ang kasalanan ang naglalayo sa tao at Diyos. Dahil sa kasalanan ang tao ay hindi makalapit sa Diyos. Nang mamatay si Cristo sa krus, inalis Niya ang hadlang ng kasalanan. Makalalapit na ang tao sa Diyos. Ngunit makalalapit lamang siya kung tatanggapin niya ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo. Ayon sa Juan 14:6 at Gawa 4:12, ekslusibo ang daan patungo sa Ama. Hindi mo matatamo ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng relihiyon o merito ng tao. Ang tanging magagawa ng tao ay manampalataya kay Cristo, Juan 3:16; Gawa 16:31.
Kapag ang tao ay nanampalataya kay Cristo, ang pangako Niya mismo ay hindi siya mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Ngayong Biyernes Santo, gamitin mo ang pagkakataong magnilay. Nais mo ba ng buhay na walang hanggan? Manampalataya ka kay Cristo. Huwag kang umasa sa iyong relihiyon o sa iyong sariling kabaitan. Tanging si Cristo ang magbibigay ng buhay na walang hanggan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment