Hirap intindihin ng palalo
Masakit sa pride ng taong malamang wala siyang maiaambag sa kaniyang kaligtasan. Kaya ipipilit niyang kaya niyang pagtrabahuhan ang buhay na walang hanggan.
Kung totoong kaya niyang iligtas ang sarili, hindi na sana kailangang mamatay ni Cristo sa krus. Ang Kaniyang kamatayan ang pinakamalaking inhustisya sa kasaysayan.
Ang katotohanan ay hindi kaya ng taong iligtas ang kaniyang sarili. Namatay si Cristo sa krus upang gawin ang hindi kayang gawin ng tao- ang bayaran ang kasalanan.
Ang naging kabayaran ay ang Kaniyang mismong buhay. Napako Siya sa krus, nabubo ang Kaniyang dugo, upang bayaran ang kasalanan ng sanlibutan.
Sabi ng Kasulatan, without shedding of blood, there is no forgiveness. Ang buong Hebreo ay tinuturo ang nesesidad ng kamatayan ni Cristo dahil ang mga dugo ng hayop sa Lumang Tipan ay hindi sapat upang magbigay ng nagtatagal ng kapatawaran. Sila ay anino, hindi katunayan.
Hindi natin mabibili ang kapatawaran sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang Kaniyang kamatayan sa krus ang nagbibigay ng kapatawaran at buhay na walang hanggan.
Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan at kapatawaran ng mga kasalanan. Kung hindi ka pa nanampalataya, gawin mo na ito ngayon.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment