He died to save me

 

Ang tao ay hiwalay sa Diyos at nasa daan patungong impiyerno. Sa dakilang pag-ibig ng Diyos, sinugo Niya ang Kaniyang bugtong na Anak na si Jesus upang mamatay para sa atin. 

Namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan. Inalis Niya ang kasalanan bilang hadlang sa pagitan natin at ng Diyos. 

Kung wala si Cristo hindi tayo makalalapit sa Diyos. Nakahadlang ang kasalanan. Ngunit nang mamatay si Cristo sa krus, hindi na kasalanan ang hadlang sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ang tanging magdadala sa tao sa impiyerno ay ang hindi pananampalataya kay Cristo. 

Ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan. 

Hindi ka magtatamo ng buhay na walang hanggan sa pag-anib sa relihiyon. Hindi mo ito matatamo sa pamamagitan ng mabubuting gawa, pag-aabuloy o pagiging tapat hanggang kamatayan. Lahat ng ito ay mabuti. Ngunit hindi ang mga ito sapat upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. 

Kung hindi pa nakasisiguro ng buhay na walang hanggan, gamitin ninyo ang pagkakataong ito. Manampalataya ka kay Cristo at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngayon mismo. Ang pangako ni Cristo ay hindi mapapako. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama