Happy 19th (Aquamarine) Wedding Anniversary to my ISSHAH
Una sa lahat, happy 19th anniversary sa aking ISSHAH, sa aking GUNI, na si Lerna Israel Nieto. Ayan sinulat ko in full name dahil wala akong dapat itago. Unlike others na may hidden mistress kaya hindi ma-display ang mga mukha sa madla, everyone is welcome to check.
Those were hard 19 years. Hindi perfect. Pero nag-survive dahil nagtiwala kami sa Diyos and we always choose each other.
Marami kaming pinagdaanang hirap. Pero pinili naming ilagay ang Diyos sa gitna ng aming relasyon at buuin ang aming pamilya sa pundasyong iyan.
Sa mga nagbabasa ng aking blogs (kung mayroon man), alam ninyong hindi nagsimula ang aking pamilya nang maganda. Ako ay lasenggero at pornikador. I believe in the doctrine of right man and right woman, and I will always choose my wife in any multiverse and timelines, but I wished that we started well.
Alam ninyong sa simula ang isang pirasong talong ay niluluto namin nang makalawa. Kalahati ay hinambura at ang kalahati ay ensaladang talong. Nabuntis ang aking misis sa huling taon ko sa kolehiyo (ang 2007 ang pinaka-memorable at pinakamakulay na taon sa aking buhay) and for a time ni hindi ko alam kung paano manganganak ang aking misis.
But God is good. These 19 years, God provided. Many times we don't know where to get our meal. But I never remember that we skip a meal. Minsan dumarating ang pera nang wala sa oras. Ginamit ng Diyos ang aking biyenan, ang aking kapatid na si Eboy at ang aking Tita Eden, among many people, upang tulungan kaming mag-survive.
Cringe man ito sa paningin ng iba pero hindi ako magsasawang ikwento ang kabutihan at biyaya ng Diyos sa aking pamilya.
Bawat tao ay may kwento at ang social media is a modern tool for story telling. I am not tired of telling God's grace for us. Hindi ako nahihiyang amining ako ay makasalanan, isang lasenggero at pornikador, pero binago ng biyaya ng Diyos.
Hindi Niya kami kinahiya. Hindi Niya kami pinabayaan. Hindi Niya kami iniwan. Hindi Niya kami pinahiya dahil kami ay makasalanan. Instead, tinanggap Niya kami, warts, buni, and all. Paano ko ikahihiya ang Diyos na ito.
Bawat pictures namin ay may Bible verse not because we want to call attention to ourselves. On the contrary, we put the verses to call attention to the verses. Pwede sana naming ikwento ang aming buhay in the context of our own abilities or skills. Instead we choose to tell our stories in the context of God's grace and provision.
Hirap ang mga taong lumaki sa mayamang kalagyang intindihin ang mindset na ito. Dahil sanay sila sa kanilang sariling kakayahan, protektado ng kanilang sirkulong inuulit lamang ang kanilang gustong marinig, kapag nakakita sila ng ibang kwento, cringe ito sa kanilang pandinig. Okay lang. I didn't write for you. I don't care about your validation. I wrote for Him. I wrote to point people to Him.
If you think it is cringe, may tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng aking mga posts. Click it. Choose unfollow or unfriend. Hindi kawalan sa aking mawalan ng FB friends. Remember, kayo at hindi ako, ang nag-friend request. So kung sawa na kayo makakita ng aming kwento, feel free to unfollow and unfriend.
Wala akong pakialam sa views and monetization. Kung iyan ang nais ko, magpopost na lang ako ng kabastusan o subersibong materyales. Yung tipong poser ba. Performative.
I choose to tell our stories because we wanted people to know that God works even among simple, poor people, so long as these people are willing to walk with Him. Our stories are to point to Him, not to ourselves.
God has been so good to us and I want people to know it. He's good kapag kami ay nagbubunot ng damo, kapag kami ay kumakain ng dilis, kapag kami ay sumasambang nakatsinelas, kapag kami ay kumakain sa labas as a family, at kapag kami ay nag-ja-jamming sa Amoguis. Hindi namin kailangang laging naka-barong o long sleeve o tuxedo (sinong tangang magtu-tuxedo sa mainit na Pilipinas?). Kailangan lamang naming maging totoo.
These 19 years are a collection of God's faithfulness in the little things. And by God's grace, He'll give us another 19 years upang magkwento ng Kaniyang kagandahang-loob.
Hindi kami perpekto. Pero perpekto ang aming Diyos at Tagapagligtas. At Siya ang aming itatampok sa bawat kwento namin.
Ikaw, ano ang kwento mo? Paano ka tinulungan ng Diyos?
Again, happy 19th Aquamarine Wedding Anniversary my ISSHAH. May God give us more years together. Just remember to let me die first.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment