Habang hindi pa huli ang lahat
Maraming mga tao ang nakapokus sa mga materyal na bagay. Pag-usapan ninyo ang mga bagay na may kinalaman sa paano kumita o paano magkaroon ng kayamanan, lahat ay interesado. Pag-usapan ang isports, babae o bisyo, lahat ay interesado. Pero pag-usapan ang mga bagay na pang-Diyos, isa-isang natatapos ang usapan.
We forget that worldly pleasure is temporary but its consequences are not.
Kung ang mga worldly pleasure ang hahadlang sa tao upang manampalataya kay Cristo, ang konsekwensiya nito ay mararamdaman sa impiyerno.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Maraming taong hindi lumalapit kay Cristo dahil hindi nila matalikuran ang kanilang paboritong kasalanan (Juan 3:19-21).
Huwag natin hayaang ang temporaryong kasiyahan ang pumigil sa iyo upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Kahit ang mga mananampalataya ay maaaring mabiktima ng ganitong isyu. Maraming Cristianong hinahayaang maging hadlang ang temporaryong kasiyahan upang maglingkod sa Diyos. Ito ay may eternal consequences din dahil ang ating rewards ay nakasalalay sa ating paglilingkod sa Kaniya.
Ilang rewards ang mawawala nang dahil sa inuuna ang pansariling kasiyahan?
Isa sa mga sikreto ng mga tagumpay na tao ay delayed gratification. The same principle applies to spiritual life. If believers can delay gratification in this life and learn how to suffer for Him, we'll reign with Him in the millennium and throughout eternity.
Our choices today have eternal ramifications. So we need to redeem the time. We need to live our life wisely.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment