God knows best

 


Marami akong regrets sa buhay. May mga opportunities na hindi ko g-in-rab. May mga opportunities na sumugal ako ngunit hindi pinalad. May mga promotions na hindi natanggap. Ilang business attempts na nabigo at ilang beses pang na-iskam. May mga pangarap na hindi naabot. 

May mga gabing naghihimutok ako sa Diyos bakit nangyari ang mga ito. 

Hindi ba anak Niya ako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo? Hindi ba at nagsisikap naman ako para sa aking pamilya? Bakit? Bakit mas asensado ang mga hindi mananampalataya kaysa sa akin? 

Pero fast forward several years and looking back, nakita kong ang Diyos ay may purpose sa mga ito. Ang mga missed opportunities, closed doors at broken dreams ay realignment. Hindi dahil gusto Niyang i-deny ang blessings sa Kaniyang mga anak. It is because gusto Niyang mag-create ng environment na mae-enjoy ang mga blessings without forgetting the Bless-er. 

Maraming Cristianong nasira ng pagkakaroon ng blessings nang walang capacity. Ang minadaling yaman ay sumisira ng buhay. 

Ngunit kung uunahin natin ang ating Panginoon at lalakad tayo sa Kaniyang daan, ang mga blessings ay darating. After all sabi ni Jesus na seek first the kingdom of God and all these things (food and clothing) will just be added. 

As a loving Father, alam Niya kung ano ang ikabubuti ng Kaniyang mga anak. Ang tanong ay kung handa ba tayong magtiwala sa Kaniya.

Ibinigay ng Diyos ang Kaniyang bugtong na Anak upang mamatay para sa atin at magkaroon tayo ng kaligtasan. Paanong hindi Niya ibibigay ang ating mga pangangailangan ngayong hindi na Niya kailangang ibigay ang Kaniyang Anak? 

God is guiding us through His Word and through His providence. Walang nangyayari sa ating buhay na wala Niyang permiso. Nangyari ang mga bagay na ito dahil mayroon Siyang layon. He is guiding us into maturity in Christ. 

Kung ganito ang ating mga kaisipan we will be equally excited sa mga pintong binubuksan ng Diyos at pintong Kaniyang sinasara dahil ang mga ito ay galing sa Kaniyang mapagmahal na mga kamay. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama