Daily cleansing

 



1 John 1:9 [9]If we confess our sins, He is faithful and righteous to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness.

Naglinis ako ngayon ng sala. Naturally ang aking isipan ay nasa paglilinis. Kaya ang blog ngayon ay may temang cleansing. 

Sa sandaling manampalataya tayo kay Cristo, tayo ay malinis kailan pa man. Matatawag natin itong positional cleansing. 

Ngunit may isa pang cleansing na binabanggit ang Kasulatan. Wala itong kinalaman sa kaligtasan dahil once saved always saved. Sa halip ito ay may kinalaman sa fellowship. 

Ang mananampalatayang nagkasala laban sa Ama ay hiwalay sa fellowship. Hindi maiwawala ang kanilang relationship ngunit maiwawala ang fellowship. 

Maikukumpara ito sa suwail na anak na dinisiplina ng kaniyang ama. Gaano man kasuwail ang anak, hindi mawawala ang relasyon - ang anak ay anak kailan man. Ngunit ang fellowship ay masisira. Magagalit ang ama at marahil ay papaluin ang anak o kaya ay hindi niya gugustuhing makita ang anak nang ilang sandali. Sira ang fellowship ngunit nananatili ang relationship. 

Paano maibabalik ang fellowship na ito sa Ama? Ang sagot ay nasa 1 Juan 1:9. Kapag tayo ay nagpahayag ng ating mga kasalanan, tayo ay patatawarin at lilinisin sa ating mga kasalanan. Dahil dito nababalik ang fellowship.

Ang mga ligtas ay nagkakasala rin. Ngunit kung ikukumpisal niya ito, mababalik ang kaniyang fellowship sa Ama. 

Keep short accounts. Confess your sins regularly to Him. Not to a human priest. But to the Father directly. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama