Coming to collect
Luke 12:20-21 [20]But God said to him, 'You fool! This very night your soul is required of you; and now who will own what you have prepared?' [21]So is the man who stores up treasure for himself, and is not rich toward God."
Pamilyar kayo sa parabula. May mayamang may malaking ani. Kulang ang kaniyang bodega kaya nagdesisyon siyang gibain ang mga bodega at palitan ng mas malaki. Pagkatapos sasabihin niya sa sariling magpakasaya dahil secured ang kaniyang future. That very night he will die. Ang tanong ay para kanino ang kaniyang pinagtipunan? Hindi niya ito madadala sa kabilang buhay.
Walang masama sa pagtitipon. In fact ang sabi ng Kasulatan ay nagtitipon ang mga magulang para sa kanilang anak. Ngunit kung ang kapalit nito ay ang eternal mong kalagayan, sayang ang lahat.
Maraming taong may lahat ng uri ng koleksiyon- kayamanan, pag-aari, titulo... Gaya ng lalaki sa parabula, umaasa silang mabubuhay sa mga natipong kayamanan, pag-aari at titulo. Ngunit ang malungkot na katotohanan, isang katotohanang natutunan ni Solomon sa Ecclesiastes, ay hindi mo madadala ang mga ito sa kabilang buhay.
Ayon sa Heb 9:27, it is appointed for man to die once and after this the judgement. So make sure na bago ka mamatay, masiguro mo ang katiyakan ng iyong kaligtasan.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
In the end, tanging mga espirituwal at eternal na bagay ang iyong madadala. Makuha mo man ang lahat ng bagay sa mundo, neatly arranged in collections, kung pupunta ka sa impiyerno, balewala rin ang lahat.
Manampalataya ka kay Cristo para sa buhay na walang hanggan before Death comes to collect.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/
.jpeg)
Comments
Post a Comment