Christ, not religion
Hindi kalaban ni Satanas ang relihiyon. In fact, he encourages it. Anything as long as you do not believe in Jesus for eternal life.
Namatay si Cristo sa krus hindi upang bigyan ang sanlibutan ng bagong relihiyon, relihiyong lalong maghahati-hati sa mundong dati nang pinaghihiwalay ng hindi pagkakasundo.
Sa halip namatay si Cristo upang bayaran ang kasalanan ng sanlibutan. Namatay si Cristo upang alisin ang hadlang ng kasalanan. Walang taong pupunta sa impiyerno nang dahil sa kasalanan. Pupunta siya roon kung tatanggihan niya ang probisyon ng Diyos na kaligtasan. Pupunta siya roon kung aasa siya sa relihiyon at natural na kabutihan, sa halip na manampalataya kay Cristo.
Ang pag-asa sa relihiyon ay pagtakwil kay Cristo.
Walang aktibidad na relihiyong makaliligtas sa iyo. Kahit ilang Bible studies, misa o prayer meeting ang iyong daluhan, kung hindi ka nanampalataya kay Cristo, mapapahamak ka pa rin.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo para rito, Juan 3:16; Gawa 16:31. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Nangangahulugan itong tanging Siya lamang ang iyong inaasahang magbibigay sa iyo ng kaligtasan. Wala kang maidaragdag na kahit ano. Kung umaasa kang pupunta ka sa langit dahil sa iyong relihiyon, hindi ka nanampalataya kay Cristo para sa kaligtasan.
Ang tanong ngayon ay kanino ka ba mananampalataya? Sa iyong sarili at iyong relihiyon? O tanging kay Cristo lamang?
Kung hindi ka pa nakatitiyak ng buhay na walang hanggan, manampalataya ka ngayon. Siguruhin mo ang hindi maibibigay sa iyo ng relihiyon.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment