Choose truth today
May kwento tungkol sa lalaking may dalang isang baso ng kape. Nang siya ay mabangga, natapon ang kape. Ang tanong, bakit natapon ang kape?
Marami ang magsasabing kasalanan kasi ng nakabangga. Kung hindi siya nabangga, hindi sana matatapon ang kape. Tama naman. Pero ayon sa isang marunong, ang dahilan kung bakit natapon ang kape ay dahil kape ang laman. Kung toyo ang laman, toyo ang matatapon.
Ang simpleng kwentong ito ay nagtuturo ng katotohanang kung ano ang laman ng ating puso, iyan ang lalabas sa ating buhay.
Every day we are faced with a choice - shall we fill our hearts with God's Word or will we let the world fill it with fear, worry and anxiety?
Kung ano ang pinasok mo sa baso ng iyong buhay ay siyang tatapon kapag nabangga ka ng problema ng buhay.
Maraming Cristianong laging balisa dahil hinayaan nilang punuin ng sanlibutan ang kanilang puso ng kabalisahan. Hindi nila natutunan ang Salita ng Diyos na nagsasabing ibigay ang mga kabalisahan kay Cristo. Maraming Cristianong walang kapayapaan ng isipan dahil hindi nila natutunan ang Salita ng Diyos na nagsasabing manalangin at hayaan ang kapayapaan ng Diyos ang mag-ingat sa kanilang puso at isipan.
Kapag nasa dulo ka ng iyong lubid, sino ang sasaklolo sa iyo? Ang sagot natin sa tanong na ito ay nakadepende kung ano ang laman ng iyong baso.
Simulan natin ang ating umaga ng Salita ng Diyos at hayaan ang momentong magdala sa atin sa Kaniya. Kung hahayaan natin ang sanlibutang punuin tayo ng kabalisahan, siguradong ang maghapon natin ay kabalisahan.
Ang isang umaandar na malaking sasakyan ay mahirap patigilin dahil sa momento nito. Hayaan nating umandar ang ating buhay sa momento ng Salita ng Diyos.
Kung anong sinuksok, iyan ang madudukot. Hindi lamang aplikable ang kawikaang Pinoy na ito pagdating sa pagtatago ng pera. Aplikable rin ito sa pagtatago ng Salita ng Diyos sa ating mga puso.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment