Ang nangangailangan ng Manggagamot ay maysakit

 


May subtle na kayabangang lumulutang sa ating mga simbahan at iyon ay niligtas tayo ng Diyos dahil tayo ay mabuti kaysa iba. Dapat lang na iligtas tayo ng Diyos, sabi ng iba, dahil tayo ay hindi makasalanan at naglilingkod sa Kaniya. Ito ay napakalayo sa katotohanan. 

Ang katotohanan ay hindi natin maliligtas ang ating mga sarili. Malinaw sa Bibliang lahat ay makasalanan at kasama roon ang mga relihiyosong mataas ang tingin sa sarili. 

Kaya kapag nakakita tayo ng isang adik, ng isang kalapating mababa ang lipad (eupemismo sa alam mo na), isang sakim o kung sino pang taong sa iyong palagay ay hindi dapat kaawaan ng Diyos, alalahanin natin ang sinabi ng Panginoon: ang hinahanap Niya ay ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid. 

After all, ang nangangailangan ng doktor ay ang mga maysakit, hindi ang malulusog. 

Kung napakabanal ng iyong tingin sa sarili, mag-ingat at baka ikaw ang mapunta sa impiyerno. Napakalaki ng posibilidad na itakwil mo ang pangangailangan mo kay Cristo. 

Maraming beses sa aming pagbabahagi ng Evangelio, ang aming pinasok na bahay ay nagsasabing sa iba na lang daw ibahagi, sa mga makasalanan dahil hindi na raw nila kailangan. May relihiyon na silang sinasandigan at hindi nila nakikita ang mga sariling tutungo sa impiyerno. 

This is ironic since in the Gospels, ang numero unong kalaban ni Cristo ay ang mga relihiyoso. Linis na linis sila sa kanilang mga sarili at hindi nila makita ang pangangailangan kay Cristo. I guess hindi pa rin nagbabago ang panahon. 

Lahat ay makasalanan at patay sa kasalanan kaya lahat ay nangangailangan ng buhay na walang hanggan. 

All are sinners 

No exceptions.

All need spiritual life.

No exceptions. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, John 3:16. 

Walang puwang ang kayabangan sa kaligtasan. Wala tayong maidaragdag sa kaligtasan maliban sa pananampalataya. 

Manampalataya na ngayon bago mahuli ang lahat.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama