Agawan ng tupa, katapatan sa kongregasyon

 


Philippians 1:15-18 [15]Some, to be sure, are preaching Christ even from envy and strife, but some also from good will; [16]the latter do it out of love, knowing that I am appointed for the defense of the gospel; [17]the former proclaim Christ out of selfish ambition rather than from pure motives, thinking to cause me distress in my imprisonment. [18]What then? Only that in every way, whether in pretense or in truth, Christ is proclaimed; and in this I rejoice. Yes, and I will rejoice...

Roma 15:20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;

Isang nakalulungkot na katotohanan ay ang agawan ng mga tupa sa pagitan ng mga pastor. Sa halip na mangaral sa mga hindi mananampalataya, kinukumbinse ang dati ng mga Cristianong umanib sa kanilang grupo. 

Madalas ito ay dahil sa pokus sa numero. Nais ng mga tamad na pastor na itong lumaki ang kanilang bilang. Ayaw nilang mag-invest sa pag-evangelize ng iba. Mas nais nilang nakawin ang miyembro ng iba. 

Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng mga pansilo- alok ng scholarships at supports, mga programang umaakit sa mga bata at matatanda, mga mala-konsiyertong music ministry, pizza at coke para sa mga youth, at kung anu-ano pang pandaya. 

Mayroong pangako ng ayuda sa oras ng kagipitan. Mayroong alok ng trabaho. Ginagapang ang mga Cristiano under the guise of "fellowship" pero ang totoo ay kinukuha ang loob upang lumipat ng bakod. 

Ito ay nakakahiya. Ito ay imoral. Ito ay gawa ng laman. 

Hindi rin masisisi ang mga tamad na pastor. May kasalanan din ang mga miyembro. BIGO ang miyembrong magkaroon ng loyalty sa kaniyang right pastor teacher. 

Ang mga Cristiano ay lalago nang husto kong masumpungan niya ang kaniyang right pastor teacher. Dito maeexpose siya sa tamang eksposisyon ng Biblia. 

Ngunit kung walang loyalty ang isang Cristiano at ang konsepto niya ng paglilingkod ay tila buffet - kuha ng aral dito, kuha ng aral doon, sama rito, sana roon... hindi siya lalago kay Cristo. 

Bagamat ang Katawan ni Cristo ay iisa, may mga geographical assembly ang mga Cristiano. Kahit si Pablo ay nagpalagay sa sariling hindi mangangaral sa lugar kung saan si Cristo ay napagbalitaan na, Roma 15:20. It is a bad taste to start a church where there is an existing doctrinal church. Ibang usapan kung false church ang nariyan. Pero kung may orthodox, doctrinal church nang nauna, build somewhere else. Sa ganitong paraan, hindi mahahati ang mga Cristiano. 

Kung ang isang Cristiano ay kumbinsidong nasa tamang simbahan na siya, hindi na siya dapat sumali pa sa iba. Ito ay magreresulta lamang sa magulong isipan. Hindi titibay ang kaluluwang may dalawang sistema ng doktrinang nananahan sa isipan. 

Manindigan tayo sa kung saan ang tama. Iwasan natin ang mag-church hopping. Iwasan natin ang tikim nang tikim sa kung anu-anong doktrina. Kung masumpungan na natin ang totoo, diyan na natin ibuhos ang ating lakas at oras. Ang katapatan ay desirable sa isang katiwala. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama