Show me grace for my failures
Romans 2:1 [1]Therefore you have no excuse, everyone of you who passes judgment, for in that which you judge another, you condemn yourself; for you who judge practice the same things.
Romans 7:15-16 [15]For what I am doing, I do not understand; for I am not practicing what I would like to do, but I am doing the very thing I hate. [16]But if I do the very thing I do not want to do, I agree with the Law, confessing that the Law is good.
Gusto ko sanang sabihing perpekto ang aking Cristianong pamumuhay. Na lagi akong sumusunod sa Diyos, hindi nagkakasala at laging handang maglingkod. Ngunit ang katotohanan ay isa akong makasalanan. Ang pagkakaiba lang ay isa akong makasalanang may kasiguruhan ng buhay na walang hanggan. May kasiguruhan ako dahil nanampalataya ako kay Cristo. Siya ang nangako sa Juan 3:16: ang sinumang sumampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Just because I post about God doesn't mean that I have everything in order. I don't. I am just a beggar telling other beggars where to find bread. I am a sinner telling other sinners where to find forgiveness. I am a quickened man telling dead men how to have life.
Jesus is life. Anyone who believes in Him have everlasting life.
Kaya kung hindi man perpekto ang aking lakad Cristiano, I ask for forgiveness. If I required from you something na hindi ko kayang gawin, I am sorry. Please give me grace, I will do better.
As much as I wanted to perfectly walk with the Lord, sometimes, many times, I slip and fall away. The difference is I always crawl back. Because saan pa ako pupunta? Hindi na sa Kaniyang nagbigay sa akin ng buhay?
So let us be grace oriented. God gives us grace when we sin. Let's give the same grace to others.
Our churches will be happier if we learn this simple truth.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Download for free:
The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/
The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/


Comments
Post a Comment