Self-care tip: Read your Bible

 


Self-care is a buzz today. Lahat ay ine-encourage na alagaan ang sarili. Nag-ehersisyo, healthy diet, stress free environment, at mga supplements. Yet there is one fundamental self-care tip na madalas malimutan. And that is caring for our soul. 

Gaano ka ka-invested sa iyong personal na soul care

We spend a lot on healthy foods and supplements but naalala mo man lang kayang pakainin ang iyong kaluluwa? Ang Salita ng Diyos ang nagbibigay ng spiritual growth at nagbibigay ng proteksiyon sa ating mga isipan laban sa stress ng pang-araw-araw na pamumuhay. 

We spend a lot on gym and home gym equipment to build muscles but have we invested the same sa ating spiritual muscles? Spiritual muscles grow when we use the Word of God to grow our faith in the midst of trials. Ngunit marami sa ating lumalayo sa Diyos kapag nahaharap sa mga pagsubok ng buhay. 

We spend money for travels to find peace but ilan sa atin ang nag-i-invest sa prayers (Philippians 4)? It doesn't matter gaano ka kalayo if you don't have inner peace, you won't be peaceful. 

We invest on slimming soap but have you use 1 John 1:9 to clean yourself? Huwag natin hayaang ilayo tayo ng ating mga kasalanan sa pag-enjoy ng fellowship with God. 

We invest on the outside, have we invested on developing inner character? Ang panlabas na anyo ay tumatanda ngunit ang panloob na anyo ay narerenew if we pay take good care of it. 

We need to change our perspective. We need to pay attention to the things on the above at hindi lamang ang mga bagay sa lupa. We need to develop a beyond the sun perspective. This is ultimate self-care. 

Read your Bibles. And apply it!

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free: https://faithalone.org/ebooks/santiago/




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama